^

PSN Showbiz

ABS-CBN at Sky panalo sa 2017 spark awards

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling pinarangalan ang ABS-CBN at ang cable, broadband, at direct-to-home subsidiary nitong SKY Cable Corporation sa 2017 Spark Awards kung saan nasungkit nila ang isang Gold at isang Silver award.

Ang Spark Awards ay taunang idinadaos ng Marketing magazine sa Singapore upang kilalanin ang pinakamahuhusay na proyekto, produkto, at serbisyo sa larangan ng media.

Ngayong taon, nakuha ng digital creative content team ng ABS-CBN ang Gold award sa Best Content Team category ng Spark Awards para sa entry nitong “Creative Effective Digital Solutions for the Company, Brands, Fans, and the Country” dahil sa mga nilikha nitong digital solutions para sa target audience ng ABS-CBN at partner clients nito.

Sa paglulunsad ng ABS-CBN ng iba’t ibang di­gital pro­jects upang maging isang digital company, patuloy nitong pinag­lilingkuran ang lumalaki nitong digital audience. Kabilang sa mga proyektong ito ang digital concerts ng One Music PH na patok sa millennials at ang Pinoy Big Brother Online House, na binigyang pagkakataon ang fans ng programa na maging online housemates.

Inilunsad din ng nangungunang media at entertainment company sa bansa ang Patrol.PH, isang Filipino language news website; ABS-CBNfoundation.com, isang website na nagbibigay-inspirasyon sa publiko na tulungan ang kapwa Pinoy sa pamamagitan ng serbisyong publiko; at ang “Nesfruta Real or No Real Challenge,” isang original online show na layuning ipakilala sa maraming ina ang ‘real fruit’ goodness ng Nesfruta, at marami pang iba.

Samantala, muli ring nagwagi ng Silver award ang SKY sa Best Event by a media Owner category para sa 2016 SKYathon Boracay Beach Run, isang annual beach run na dinaluhan ng mga kliyente, sponsors, at running enthusiasts para makalikom ng halagang ma­ga­gamit para sa rehabilitasyon ng coral reefs sa Boracay.

Maliban sa pagtaguyod ng en­vironment sustainability, naging pa­raan din ang naturang beach run para makapag-bonding ang mga magkakapamilya at magka­kaibigan – isa sa mga layunin ng event na sumasalamin sa mis­yon ng SKY na mas patibayin pa ang pagsasama ng mga Pilipino gamit ang mga produkto at serbisyo ng SKY.

Nakuha ng SKY ang unang Silver award nito noong nakaraang taon sa kategoryang Best Corporate Branding by a Media Owner ng Spark Awards para sa “me&mySKY” 2015 corporate campaign nitong ipinakita ang pagpapahalagang dahil sa pagpapakita nila kung paano pinapahalagahan ng SKY ang kanilang subscribers.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with