^

PSN Showbiz

Kapamilya stars at sikat na designer sumuporta sa Bantay Bata

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpakita ng suporta sina Martin Nievera, Bea Alonzo, Ian Veneracion, Sharon Cuneta, at Darren Espanto sa selebrasyon ng ika-20 taon ng pag-protekta at pag-aaruga sa kabataan ng Bantay Bata 163, sa isang fundraising show tampok ang mga likha ng pamosong fashion designer na si Rocky Gathercole noong Agosto 12.

Kasama ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra at Maestro Gerard Salonga, nagbahagi ng kinang at talento ang Kapamilya stars sa programa, na nagbigay pugay sa katatagan ng mga bata sa Bantay Bata 163 at sa dedikasyong ipinakita ng mga social worker, volunteer, at donor na tumulong sa pag-sagip at pangangalaga sa kanila.

Ayon kay ABS-CBN chairman Eugenio Lopez III, magpapatuloy ang ABS-CBN sa pagbabantay sa kalagayan ng mga kabataan sa tulong na rin ng mga tao at organisasyong may mabubuting loob at hangarin para sa mga bata.

Isa sa mga nahimok ng Bantay Bata 163 na lumaban para sa mga bata si Rocky, na nakaranas din ng pang-aabuso noong bata pa siya. Naibahagi na niya ito sa MMK, kung saan ang aktor na si Arjo Atayde ang gumanap.

Gamit ang kanyang mga dinisenyong damit, muling pinakita ni Rocky sa pamamagitan ng isang fashion show ang kanyang naging buhay mula sa pagtira sa kalsada ng Maynila hanggang maging fashion designer.

Samantala, pinaigting naman ng Bantay Bata 163 ang kampanya laban sa pang-aabuso sa mga bata sa sekswal na paraan sa internet. Para matugunan ito, naghahanap ng mga makakatulong ang programa para mapalakas pa ang 163 hotline nito at mas maging malawak ang abot nito online. 

Ayon sa UNICEF, walo sa sampung batang Pilipino ang may posibilidad na maabuso sa internet.

 Samantala, malapit na sa 65,000 bata ang natulungan ng Bantay Bata 163 sa pagpapagamot, kulang-kulang na 2,000 bata ang naisalba mula sa pang-aabuso at binigyan ng tulong na legal, mahigit 52,000 naman ang nabigyan ng scholarship, habang milyon naman ang tinatayang nag-benepisyo sa mga naisagawa nitong outreach programs sa nakaraang 20 taon.

Para sa mas maraming impormasyon kung paano makakatulong, pumunta sa https://www.passitforward.com/bb163.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with