^

PSN Showbiz

Lola Goreng may kuwento sa kuneho at pagong

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ngayong Linggo sa Daig Kayo Ng Lola Ko, matatalo ang team ni Elvis (David Remo) sa PE at dahil dito ay sasama ang kanyang loob. Hanggang sa pag-uwi, hindi mapapangiti nina Alice (Jillian Ward) at Moira (Chlaui Malayao) si Elvis. Pero nang malaman ni Lola Goreng (Gloria Romero) kung ano’ng problema ng apo, maaalala niya ang kuwento nina Kuneho at Pagong.

Taun-taon ay nagtitipun-tipon ang mga hayop sa gubat para sa annual sports festival nila. Gagawin ni Kuneho ang lahat para manalo siya ulit. Patago siyang nandaraya para isa-isang ma-eliminate ang mga kalaban niya. Hanggang sa ang matitirang kalahok na lang ay siya at ang pagong. Sa una, confident pa si Kuneho dahil alam naman niyang mas mabilis siya kay Pagong. Pero pursigido si Pagong at hindi basta-basta susuko kahit anong mangyari.

Dahil dito ay makakampante si Kuneho kaya kakain muna siya at matutulog. Ang ‘di niya alam, gagawin pa rin ni Pagong ang lahat ng paraan para makawala sa patibong. Dahil dito, mauunahan niya si Kuneho sa race.

Tutukan ang Daig Kayo Ng Lola Ko this August 27 na tatampukan din nina Sef Cadayona, Mike “Pekto” Nacua, Boobsie Wonderland, Yussef Esteves, Dex Quindoza, Chrome Cosio at Che Ramos-Cosio.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with