^

PSN Showbiz

Lovi natutong maging totoo sa BF!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nabanggit ni Lovi Poe sa mga reporter na nakausap after ng premiere night ng Woke Up Like This na aalis siya patungong Europe for a vacation. Sa Europe na sila magkikita ng rumored boyfriend na si Chris Johnson. Walang nabanggit si Lovi kung saan sa Europe sila rarampa. They will go with the flow na lang daw kung saan nila mapag-usapang pumunta.

Wala ring binanggit na exact date si Lovi kung kailan siya aalis. Tatapusin muna yata nito ang shooting ng movie nila nina Tom Rodriguez at Erich Gonzales sa Cineko Productions na The Significant Other.

Parang narinig naming sinabi ni Lovi na may gagawin siyang new soap sa GMA 7.

Sabi pala ni Lovi, isa sa mga nagustuhan niya kay Chris ay ang pagiging frank at straightforward nito. Sinasabi nito kung ano ang ayaw sa tao. “I’m learning a lot from him. Ako kasi I’m afraid of hurting people, hindi ko na lang sinasabi ‘pag may ayaw ako sa tao. Pero dahil sa kanya, natututo ako,” sabi ni Lovi.

Dahil sa pagiging fashionista ni Lovi, inalam namin kung sino ang kanyang fashion icon. “Ang fashion icon ko ay si Olivia Culpo, ang 2012 Miss Universe. Sobrang ganda niya at gandang manamit,” sagot ni Lovi.

Myrtle, tuloy ang pagbisita sa mga eskuwelahan

Ramdam ang closeness nina Ms. Ai­leen Go ng MegaSoft at Myrtle Sarrosa, endorser ng Sisters Sanitary Napkins and Pantyliners dahil nang mag-renew ng kontrata ang dalaga ay ipinagmalaki ni Ms. Aileen na hindi lang graduate ng Broadcast Communication sa UP Diliman ang dalaga kung hindi Cum Laude pa ito.

Narinig din ng press people na “My Little Sister” ang tawag ni Ms. Aileen kay Myrtle na kabilang sa mga taong pinasalamatan  niya at tumulong in fulfilling her dreams na makatapos ng studies.

Ngayong tapos na si Myrtle sa pag-aaral, madadagdagan ang 32 schools na binisita niya as Sisters endorser. Makakapag-focus na rin siya sa showbiz dahil kasama siya dalawang Regal Films movie at after La Luna Sangre, tiyak na bibigyan pa ng TV show sa ABS-CBN. Ang gusto ni Myrtle ay makapag-host siya ng show.

Samantala, sa September 16, nasa Cebu si Myrtle sa warehouse ng MegaSoft at mapapanood ng live sa Facebook. Bibisita rin sila ni Kristof Garcia na Cherub endorser sa Gaisano Grand Dumanjug Activity Center for a Meet and Greet at 4 p.m., and at 6 p.m. nasa Gaisano Grand Moalboal Activity Cen­ter Mall sila.

Direktor ng 100 Tula… binantaan ng boycott!

Marami sa netizens na nagalit kay director Jason Paul Laxamana ang nagbantang ibu-boycott ang mga susunod niyang pelikula after 100 Tula Para Kay Stella dahil hindi nila nagustuhan ang sagot o pagpatol daw nito sa comments nila sa movie nina Bela Padilla at JC Santos.

Mukha namang hindi apektado si direk Jason lalo’t patuloy na pinanonood ang 100 Tula Ni Stella. 

Maraming pelikulang nakaabang si direk Jason at isa na rito ang Fallback ng Cineko Productions at tampok ang love triangle nina Rhian Ramos, Daniel Ma­tsunaga, at Zanjoe Marudo.

May pelikula pa sa Star Cinema at Regal Entertainment si direk Jason at siguradong may offers pang darating sa kanya. Siguro naman huhupa na ang galit sa kanya ‘pag naipalabas na ang mga susunod niyang pelikula.

Anyway, nabanggit ni Rhian na may gagawin siyang soap sa GMA 7 sa September. Natuwa ang fans nito na nabitin sa labas niya sa My Love From The Star.

Walk-in closet ni Heart inaabangan

Dinadahan-dahan ni Heart Evangelista ang pagpu-post ng parte ng bahay niya sa social media. Kahapon, ang tinawag niyang boudoir naman ang kanyang ipinost and as usual, magandang tanawin na naman ang nakita ng kanyang followers.

Ang hinihintay ng followers ni Heart na kanyang i-post ay ang kanyang walk-in closet dahil noong ginagawa pa lang ito ay naikwento na nito sa mga reporter na isa ‘yun sa tinutukan niyang parte ng kanyang bahay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with