^

PSN Showbiz

Coleen kinokopya ang katahimikan ni Anne sa kasal

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Bakit kaya hanggang ngayon ay ayaw pa ring nagbabahagi ng detalye ng kanilang kasama ang dalawang pair na nakatakdang ikasal in November/December at yung isa in 2018.

Ang engaged couple na sina Anne Curtis at Erwan Heussaff ay nakatakdang magpakasal sa ibang bansa this coming November/December habang clueless pa rin ang iba kung kelan at saan next year mangyayari ang kasal nina Billy Crawford and Coleen Garcia.

Sina Anne at Billy ay parehong mainstay ng noontime show ng ABS-CBN, ang It’s Showtime na pinagmulan din ng fiance ni Billy na si Coleen Garcia.

100 Tula naghari sa pagtatapos ng PPP

Kung noong nakaraang Lunes, August 21 ay umabot ng mahigit P149.5-M ang kinita ng 12 kalahok sa kauna-unahang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na nagsimula last August 16 at nagtapos nung nakaraang Martes, August 22 with 100 Tula Para Kay Estela na kumita umano ng mahigit P95-M, ang natirang almost P50-M ay pinaghati-hatian ng 11 pelikula pang kalahok. Kumita rin umano ang Patay na si Hesus ganundin ang Bar Boys pero malamang na ito’y far no. 2 and 3.

Since umabot ng mahigit P100-M ang kinita ng PPP, masaya ang mga tao behind the festival na proyekto ng chairperson ng Film Development Council of the Phlippines (FDCP) na si Liza Diño.

Walang alinlangan na masaya ang Viva Films big boss na si Boss Vic del Rosario dahil ang pelikulang 100 Tula Para Kay Estela na pinagbidahan nina Bela Padilla at JC Santos at dinirek ni Jason Paul Laxamana ang nanguna sa 12 kalahok at extended pa sa in some cinemas.

Although isang magandang outlet ang PPP para sa mga independent mo­vies, sa palagay namin napakarami ng 12 pelikula for a one-week run na napansin na rin ni Ms. Liza sa pagsasabing gagawin na lang walo ang official entries sa susunod na PPP.

Hindi man nagkaroon ng first day last day ang PPP kundi nangyari ito after three days, nalipat din sa malalakas na kalahok na pelikula ang mga sinehan ng mahihinang entry.

Annabelle wala nang paki sa dyowa ni Ruffa

Last week ay nakita namin sa Resorts World Manila ang magkasintahang Ruffa Gutierrez at ang French-Israeli businessman na si Jordan Mouyal. Ma­tagal-tagal na rin ang relasyon ng dalawa at tila tanggap na ng ina ni Ruffa na si Annabelle Rama ang kanilang relasyon dahil hindi na nag-aaway ang mag-ina na may kinalaman sa boyfriend ni Ruffa.

Last Tuesday evening naman (August 22) ay nakita namin ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez kasama ang kanilang kaisa-isang anak na si Juliana sa Greenbelt 5 in Makati.

Bukod kina Goma, Lucy at Juliana, aksidente rin naming nakita sa isang resto-bar in Greenbelt 5 ang dating contract sexy star ng OctoArts Films na si Lara Morena.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with