^

PSN Showbiz

Ogie sa Paris idaraos ang pagiging Golden Boy

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Ogie sa Paris idaraos ang pagiging Golden Boy

Ogie at Nate

MANILA, Philippines - Nagpa-reserve na ng hotel and restaurant sa Paris si Ogie Alcasid para doon mag-celebrate ng 50th birthday.

Yup, nataon kasi na nasa Paris silang mag-anak - Regine and Nate - sa kanyang birthday para sa wedding nina Drs. Hayden Kho and Vicki Belo na gaganapin sa American Church of Paris sa September 2.

Part ng entourage si Nate at kakanta naman sa wedding ceremony / reception ang mag-asawang Ogie and Regine. “Nagpa-reserve na ako ng hotel and restaurant doon for my 50th birthday. The whole family will be there.

“Para lang maiba naman ang celebration since Golden Boy na pala tayo,” kuwento ni Ogie nung minsan makausap namin para sa kanyang Nakakalokal: The Birthday Concert, sa August 25, sa Kia Theater.

Ang World Vision ang producer ng concert na matagal na niyang suportado.

When World Vision asked me if I can do a concert for them, um-oo kaagad ako. Wala akong hininging talent fee sa kanila.

“I’ve been supporting World Vision for such a long time now. Kaya itong concert na ito ay para sa mga batang tinutulungan nila.

“All proceeds of the concert will be for them. It’s for a good cause kaya natuwa ako na sold out na pala ang tickets,”  sabi ni Ogie na nagpapasalamat na hanggang sa kasalukuyan ay maganda pa rin ang lagay ng career niya.

Nakaplano na ang susunod niyang concert pero ayaw niya munang magbigay ng details pero ang isang sigurado ay makakasama niya ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra na kasama niya sa kanyang Nakakalokal album.

Magiging guest sa Nakakalokal: The Birthday Concert sina Angeline Quinto, Erik Santos, Jaya, Yeng Constantino, Solenn Heussaff, Lovi Poe, at ang panganay na anak sa kanyang ex-wife Michelle Van Eimeren na si Leila.

Kuwento ni Ogie, siya mismo ang nakiusap sa kanyang mga guest na madali naman daw niyang napa-oo.

 “Siyempre, si Leila gusto rin niyang maging part ng concert. She wants to share her talent in singing na ikinatuwa ko naman,” sabi pa niya.

Anyway, dream pala talaga ni Ogie na makasama sa album ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra.

“Mas maganda ang tunog ng isang kanta kapag kasama ang orchestra kasi maraming hindi nagagawa ang makina o ang software na nagagawa ng orchestra. Pangarap ko talaga silang makatrabaho at blessing na pumayag sila,” kuwento ni Ogie tungkol sa kanyang bagong album sa Star Music.

Mayroong sampung tracks ang bagong album, at anim dito ay mga orihinal na komposisyon kasama na ang mga awiting  Nakakalokal, Ikaw ang Tanging Pag-ibig Ko, Akala Ko, Di Na Muli, Di Ka Pababayaan, at Do You Wanna Dance With Me.

Higit na sa 20 album ang nagawa ng multi-awarded artist na may gold, platinum, at double platinum awards. Malaki na ang naging kontribusyon niya sa local music scene sa kanyang mga orihinal na komposisyon, natatanging awitin, at mga nakakatindig balahibong performances. 

Ang unang album niya sa ilalim ng Star Music ay prinodyus ni Jonathan Manalo. Ito ay mabibili na sa lahat ng digital stores worldwide. Mabibili rin ito sa lahat ng record bars nationwide sa halagang P350.

Dra. Belo

Wedding gown ni Dra. Belo ipinasilip

Speaking of wedding in Paris, personal na idiniliver ng sikat na Pinoy designer na si Michael Cinco ang wedding gown ni Dra. Vicki Belo sa kanyang bahay sa Makati na ini-upload ng doktora sa kanyang Instagram account na may  1 million followers. “My wedding gown is finally here! I’m so excited to see how it looks, I was able to compose a song on the spot Thank you, @michaelcinco5 #aKHOandmyBELOved #TheRoadToIDo #belobride,” caption niya sa video ng snippet ng kanyang susuoting gown sa Paris wedding sa September 2.

Pinag-uusapan ang mga ginagawang wedding gown na isinusuot ng mga international celebrities sa buong mundo ang creations ni Michael Cinco kaya pinupuri si Dr. Belo sa pagpili niya sa sikat na Pinoy designer na naka-base sa Dubai.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with