^

PSN Showbiz

Igan maraming pasabog sa kanyang 30th anniversary

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Ngayong Agosto, ipinagdiriwang ni Igan Arnold Clavio ang kanyang ika-30 taong anibersaryo bilang mamamahayag. At bilang pasasalamat, isang espesyal na episode ang matutunghayan sa Tonight with Arnold Clavio (TWAC) ngayong Miyerkules (August 23) kasama ang ilang miyembro ng Armed Forces of  the Philippines, sina Tina Paner, Sheryl Cruz, Gloc9, at Tekla, at ang mga bida sa My Korean Jagiya na sina Heart Evangelista-Escudero at Alexander Lee.

Sa kauna-unahang pagkakataon, makakasama ni Igan ang mga magigiting at matatapang na sundalo ng sandatahang lakas ng Pili­pi­nas. Ilan sa kanila, kasalukuyang nagpapagaling sa V. Luna Hospital dahil sa mga karam­daman at pinsalang dulot ng giyera. Makakausap ni Igan sina 1st Lt. Christopher Montecillo ng Philippine Army at Sgt. Sandy Benitez ng Philippine Navy, dalawa sa mga sundalong matapang na sinuong ang panganib ng bakbakan sa Marawi. Alamin ang kanilang nakaaantig na kwento ng kabayanihan at pagpili sa Diyos at bayan bago ang sarili o ang kanilang pamilya.

Maging ang mga Kapuso na sina Tina Paner at Sheryl Cruz, at ang mahusay at award-winning rapper na si Gloc 9, magbibigay-pugay rin sa mga sundalo. At para lubos na mapasaya ang ating mga sundalo, makakasama ni Igan ang most requested guest nila na si Tekla.

Makakakwentuhan din ni Igan ang mga bida ng My Korean Jagiya na sina Heart Evangelista at Alexander Lee. Siguradong kikiligin at maaaliw kayo sa tambalan nina Heart at Alexander, na parehong sasalang sa iba’t ibang TWAC challenges. Nariyan ang K-Pop 101 kung saan ipamamalas ni Alexander ang ilang tatak K-Pop na salita, pag-arte atbp. Siguradong gugulong din kayo sa katatawa sa pagsalang ng dalawa sa Read My Lips Challenge.

At dahil espesyal ang araw na ito para kay Igan, ilalahad din niya ang ilang eksklusibong kuwentong nangyari sa loob ng tatlumpung taon niya bilang mamamahayag! Mismong si Heart ang tutulong sa pagbuko ng mga kwentong ito.

Maki-celebrate sa Tonight with Arnold Clavio (TWAC) nga­yong Miyerkules, 10:15 p.m. sa GMA News TV.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with