^

PSN Showbiz

Maja umaming non-showbiz guy ang inspirasyon

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Lumabas na rin ang katotohanan tungkol sa lovelife ni Maja Salvador, sa pangungulit ng King of Talk na si Boy Abunda nang mag-guest ito noong Lunes ng gabi sa Tonight with Boy Abunda. Bagaman at ayaw umamin ng panguna­hing aktres ng Wildflower, may mga pagkakataon na lumabas sa pagsasalita niya na mayroon ngang nagbibigay sa kanya ng inspirasyon kaya ganun siya kahusay sa kanyang portrayal bilang Lily/Ivy Aguas sa early evening slot ng matagumpay na serye tungkol sa pag-ibig at paghihiganti. Kasama rin niyang gumaganap dito ang isang napaka-powerful cast na binubuo nina Aiko Melendez, Tirso Cruz III, Wendell Ramos, Sunshine Cruz, RK Bagat­sing, Vin Abrenica, at Joseph Marco.

Wala siyang ginawang pag-amin sa lalaking diumano’y dinadalhan siya palagi ng pagkain sa bahay, pero agad siyang nag-react nang matanong kung totoo ngang ‘di boto sa kanya ang pamilya nito.

“Hindi ito totoo! Sobrang love nga nila ako dahil matagal na kaming magkakilala (ng guy) since high school pa,” pagtatanggol niya na isa na ring pag-amin sa isyu sa kanila ng sinasabing bagong lalaki niya. Mabuti na lang at sa lahat ng pinagdaanan niya ay palaging naroon ang pamilya niya para samahan at suportahan siya.

Pinuri rin ang pag-amin niya ng kakulangan sa pagsasalita ng Ingles na iniisip ng lahat ay para rin sa kapakanan ng non-showbiz guy na sinabi ni Boy na isa ring entrepreneur.

Mocha wala na sa lugar ang mga TALAK

Ayaw ko sanang makisali sa usapang pulitika pero napakahirap palampasin ang sobrang paninipsip ni Mocha Uson kay Pres. Rody Duterte na pati ‘yung mga may opinyon tungkol sa EJK ay pinipigilan na niya. And yet in the process of defending the president na inaangkin na niya ng lubos ay naglalabas din siya ng sarili niyang opinyon. Siya lang ang may karapatang magsalita, ganun? Parang pinalalabas ba niya na kapag nag-oppose ka sa pangulo ay magkalaban na kayo? Biruin mo kung sa ibang trabaho na-assign si Mocha siguradong mas marami pa siyang sasabihin. Pero kaila­ngan nang may magsabi sa kanya kung kailan siya magsasalita at bakit.

Direk Antoinette hindi  nakikipagkumpetensya sa mga baguhan

Nakatutuwang nalaman na masaya sa halip na mainggit ni Antoinette Jadaone na direktor ng ipalalabas na first movie together nina Joshua Garcia at Julia Barretto, ang Love You To The Stars and Back sa success ng kapwa niya direktor na si Sigrid Andrea P. Bernardo, direktor naman ng matagumpay na Kita Kita at mas nahuling makilala bilang direktor kaysa sa kanya. Sa halip na ma-threaten sa success nito ay welcome sa kanya ang pagdating ng marami pang baguhang direktor na inaasahan niyang magbibigay ng malaki at magandang pagbabago sa mga pelikulang ipinalalabas ngayon.

Parang ang pagsusulat din nila ng mga kuwento ang bentahe ng mga bagong direktor ngayon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with