^

PSN Showbiz

Young actor tinanggihan ang mga souvenir ng relasyon nila ng aktres

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Naaliw kami sa kuwento sa young showbiz couple na nag-break. Ilang araw after ng break-up, nagkita ang dala­wa at dahil friends bago magkaroon ng relasyon, friends pa rin ang turingan nila. Nagbeso at tsika-tsika pa rin sila na parang hindi sila naghiwalay.

Nang silang dalawa na lang, may kinuha ang aktres sa kanyang bag at ipinakita sa ex-boyfriend. Ilang mementos ng kanilang naging relasyon gaya ng tiket sa first movie na pinanood nila at small things na magpapaalala na minsan, nagkaroon sila ng relasyon.

Ibibigay sana ng aktres sa aktor ang mga ito para itago. Pero sabi ng aktor, hindi niya alam kung saan ilalagay ang mga ‘yun. Wala rin siyang maisip na gagawin sa souvenirs na inipon ng ex-GF kaya no choice ang aktres kundi itago uli ang mga ito.

Ella ipinagpapasa-Diyos ang kapalaran ng pelikula nila ni Julian

May 2.4-M followers si Ella Cruz sa Instagram (IG) at 312-K followers naman si Julian Trono, at meron pa silang ibang followers sa iba pang social media account. Kung lahat ng followers ng dalawa ay manonood sa FanGirl/FanBoy, siguradong big hit ang first movie nila under Viva Films.

Sa September 6, na simulang mapapanood ang pelikula at bago ito, ratsada sa mall tour sina Julian at Ella. Nakakalula ang schedule ng dalawa at lahat yata ng SM branches sa Luzon ay pupuntahan ng dalawa. Wala pa sa schedule ang Ayala Malls, Robinsons, at Starmall.

Si Bb. Joyce Bernal ang creative producer ng movie sa direction ni Barry Gonza­lez at silang dalawa ang nagpapatunay sa malakas na che­mistry nina Julian at Ella. Maganda raw silang tingnan sa camera.

Launching movie ito ng love team nina Julian at Ella at lalong nenenerbyos ang dalawa dahil ikinukumpara sila sa JaDine love team nina James Reid at Nadine Lustre. Ang ginagawa ni Ella, bukod sa tuluy-tuloy na promo nila ni Julian ay nagdadasal at hinihingi sa Diyos kung ano ang deserve ng love team nila.

Heart binigyan ng pag-asa ang mga K drama adik

Nagpa-dirty ice cream party si direk Mark Reyes sa cast at production crew ng My Korean Jagiya habang sabay-sabay na pinapanood ang pilot episode ng first Korean-Filipino TV series.

Majority sa feedback ay positive at kung may nega man, natabunan sa good vibes na dala ng show. Masaya ang fans na naki-Twitter party sa kanila ang cast mula kina Heart Evangelista at Alexander Lee.

Nakakatuwa ang tweets ni Alexander, may history pa siya ng location kung saan kinunan ang ilang eksena ng My Korean Jagiya. Tulad ng eksena sa temple, kung saan kinunan din ang Goblin (K-drama) at ‘yun namang eksena ng merry-go-round, doon nag-shoot ng music video ang BTS.

 PPP naka-P100 million!

Marami ang nag-congratulate kay Film Development Council of the Philippines (FDCP) Liza Diño nang mabasa ang post nito sa social media na “SM cinema, the largest cinema chain in the country has set a 100M target to call Pista ng Pelikulang Pilipino a success, considering it’s a first at marami pang kailangang gawin to make it better. As of Sunday, August 20, PPP gross has reached 96Million. Maraming salamat sa mga nakipista.”

Nag-trending din ang hashtag na #ExtendPPP at ang sagot ni Liza rito ay “May bagong movies scheduled to show this week, but let’s see what we can do. Nakakatuwa ang mainit na pagtanggap ninyo sa Pista ng Pelikulang Pilipino.”

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with