^

PSN Showbiz

Daniel hindi choice ang kawalan ng lovelife

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Masayang-masaya si Daniel Matsunaga dahil kabi-kabila ang kanyang mga ginagawang pelikula ngayon. Kabilang ang aktor sa pelikulang Meant To Beh na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Dawn Zulueta. Isa ito sa mga kalahok sa nalalapit na Metro Manila Film Festival (MMFF). Bukod dito ay kabilang din si Daniel sa pelikulang The Haunted kasama ni Maxine Medina.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay makaka­trabaho rin ng model-actor sina Zanjoe Marudo at Rhian Ramos sa pelikulang Fallback.

“I’m very happy, it’s such an honor for me. Kasi ibig sabihin they’re looking for someone like me and they choose me kahit na marami pang ibang puwede to do these roles. Kaya I’m very, very ho­nored kaya sobrang thankful ako sa kanilang lahat for the opportunity,” nakangiting pahayag ni Daniel.

Mula nang makahiwalayan si Erich Gonzales kamakailan ay hindi pa raw nakahanda ang binata na pumasok sa isang bagong relasyon. Umaasa naman si Daniel na makikilala rin ang tamang babae para sa kanya.

“Well right now, wala akong love life pero we make time kahit na busy ka or hindi. Kung may love life ka, you make time pero wala pa talaga pero hindi by choice. Darating din siguro ‘yan. Sa mga susunod na relationship ko or sa susunod lang, siguro I will do my best. I will do my best to be the best boyfriend. So if it’s meant to beh, it will meant to beh,” natatawang pahayag ni Daniel.

Kaya ‘di makapag-shooting ng movie, Pia may sabit sa Miss U

May bulung-bulungan na tinanggal na diumano si Pia Wurtzbach sa pelikula nila nina Daniel Padilla at Vice Ganda. May working title itong Gandara Versus Gwapito The Revengers at isa sa mga kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Nakapag-shooting na sina Daniel at Vice pero ayon sa direktor ng pelikula na si Joyce Bernal ay hindi pa nakapagsisimula si Pia sa proyekto.

“Inaayos pa ‘yung costume niya. Mayroon pang pag-uusap with the management ni Pia and Star Cinema management,” bungad ni Joyce.

Kapag natapos na ang costume ni Pia ay kinakailangan pa raw itong paaprubahan sa international management ng Miss Universe 2015. “I think mayroon pang international image si Pia and meron pa siyang mga commitments abroad and hindi ko pa alam kung paano ‘yun,” dagdag ng blockbuster director.

Umaasa si direk Joyce na makakapag-shooting na si Pia sa lalong madaling panahon upang umabot sila sa mga deadlines. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with