^

PSN Showbiz

Myrtle Itsinitsismis sa director

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nag-renew kahapon ng kontrata bilang endorser ng Sister’s Napkin ang cosplayer at aktres na si Myrtle Sarrosa sa favorite restaurant ko sa Quezon City.

Of course, early bird ako sa contract signing ni Myrtle dahil 11 a.m. ang invite ni Rose Garcia pero 10:30 a.m. pa lang, nasa venue na ako.

Maaga rin na dumating si Myrtle pero nagpa-make up muna siya sa isang private room.

Double celebration ang nangyari kahapon dahil bukod sa contract signing, ipinagdiwang ng Megasoft Hygienic Products Philippines, Inc. ang pagtatapos ni Myrtle ng pag-aaral. Cum laude lang naman ang karangalan na iniuwi ni Myrtle na nag-graduate sa University of the Philippines.

May tsismis na boyfriend ni Myrtle ang direktor na si Joel Ferrer pero nag-deny ang isang close friend niya. Loveless daw ang dalaga pero marami ang nagpaparamdam sa kanya.

Ngayong tapos na siya sa pag-aaral, asahan daw natin na marami ang mangyayari sa showbiz career ni Myrtle dahil may panahon na ito.

Brian Poe runneR-up sa Binibini ANG ipinalit kay Myrtle

Nakilala ko ang nanay ni Myrtle dahil ito ang lumapit at nagpakilala sa akin nang magkita kami sa isang event.

Natandaan ko ang madir ni Myrtle dahil sa kanyang introduction na “Ako po ang nanay ni Myrtle, ‘yung ex-girlfriend ni Brian Poe Llamanzares.”

Pinag-usapan noon ang break-up nina Brian at Myrtle. Pareho nang nag-move on ang dalawa dahil may ibang dyowa na ang anak ni Senator Grace Poe, ang girl na first runner-up sa Bb. Pilipinas noong 2016, si Angelica Alita na alaga ni Jonas Gaffud.

Model at aspiring actress si Angelica. Siya ang madalas na kasama ni Brian sa mga event na pinupuntahan nito.

JC hindi naimbyerna kahit napagkamalang si Christian Bables

Made na si JC Santos dahil blockbuster ang pelikula nila ni Bela Padilla, ang 100 Tula Para Kay Stella ng Viva Films.

Hindi puwedeng i-deny na tumatabo ng datung ang official entry ng Viva Films sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) dahil sa isang mall, palabas sa apat na sinehan ang 100 Tula Para Kay Stella para ma-accommodate ang manonood.

Hindi ako magugulat kung may follow-up project na sina JC at Bela sa Viva Films dahil sa success ng kanilang movie team up.

May embarrassing experience ako kay JC dahil panay ang tawag ko sa kanya na Christian (Bables) sa isang presscon na pinuntahan ko.

Hindi kinontra ni JC ang kagagahan ko dahil nag-smile lang siya. Nakangiti pa rin siya nang purihin ko ang bonggang performance niya sa Die Beautiful.

Nang magkasama kami sa isang table, Christian pa rin ang tawag ko kay JC. Si Papa Ricky Lo na ka-table namin ang nag-edit ng kagagahan ko. Sinabi niya na JC at hindi Christian ang name ng aktor na kaharap namin. Hiyang-hiya ako kay JC dahil sa blooper ko pero hindi siya na-offend o nagpakita ng iritasyon nang mapagkamalan ko na si Christian Bables siya. Si Christian ang gay best friend ni Paolo Ballesteros sa Die Beautiful.

Ibang kalahok sa PPP extended sa mga sinehan

Pumalo na sa P100 million ang box-office gross ng Pista ng Pelikulang Pilipino kaya puwede nang sabihin na tagumpay ang film festival ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na pinangungunahan ni Liza Diño-Seguerra.

Tiyak na madaragdagan pa ang box-office gross ng Pista ng Pelikulang Pilipino dahil extended ang showing sa mga sinehan ng ibang mga pelikula na kalahok.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with