^

PSN Showbiz

Anne may malaking pangarap pagkakasal kay Erwan

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Anne may malaking pangarap pagkakasal kay Erwan

Anne

Pero lihim na lihim kung kailan

Hindi talaga mapilit si Anne Curtis sa detalye ng nalalapit nilang kasal nila ni Erwan Heussaff kahit maraming nagsasabi na magaganap na ito sa November. Pero nanghihingi naman siya ng paumanhin.

Ayon kay Anne, personal choice na hindi muna nila i-share sa lahat ang details ng kasalan. Pero pagkatapos naman, pangako ni Anne ay ipakikita nila ang lahat ng mga pangyayari.

Nakausap ng mga reporter si Anne sa launching ng proyekto niyang Dream Machine platform vs Dream Shaming. Isa itong passion project ni Anne na ang layunin ay ‘wag magsawang mangarap para maabot at mabuhay sa kanilang hinahangad.

Sa nasabing presscon inamin ni Anne na bitbit niya ang malaking pangarap nang pasukin niya ang showbiz na halos na naabot na niya sa kasalukuyan. “I have always been a dreamer. In my 20 years in showbiz, I have worked hard to reach for my dreams. I am blessed to have already achieved most of my dreams and it’s now my turn to be a blessing to others through Dream Machine platform,”  sabi ni Anne na may mga charity works nang ilang taon na.

Naisipan ito ng grupo ni Anne para labanan ang mga dream shaming. “It is sad when people set dreams in their hearts only to be dream-shamed by people either because of their color, their status in life, their current skills. It gets worse when it is their own family or their loved ones who shoot down their dreams. This platform hopes to encourage dreamers to continue chasing their dreams and we will do our best to help them,” sabi ni Anne na aminadong naging biktima rin ng dream shaming nang magkaroon siya ng Annebisyosa concert.

“To sing beafore a huge audience was my dream. And I worked hard to make it happen. It was not something that I did just for myself, but the Annebisyosa concert was also my way of encouraging people to always fight for their dreams in the face of those that say you can’t do it,” pag-alala ni Anne.

Kaya sa mga nangangarap diyan pero nahahadlangan ng ilang nambu-bully puwede kayong manghingi ng tulong sa grupo ni Anne.

Meron silang categories of dreams: youth, educations, and empowerment.

Para sa kick off ng proyekto magkakaroon sila ng Color Run para sa disabled children na nasa pangangalaga ng UNICEF kung saan si Anne ay ambassador for two years now.

Eh ano naman ang biggest dream niya ngayong mag-aasawa na siya? “One of my biggest dreams is to have a healthy family, my own healthy family in the future.”

Ariana

Mga nanood ng concert ni ariana inabot ng madaling araw

Inabot ng madaling araw ang karamihan sa nanood ng concert ng American pop superstar na si Ariana Grande last Monday night.

Ang rason, nahirapan silang kunin ang mga iniwan nilang bag na dahil sa sobrang strict ng security binawalan ang lahat na dalhin ang kanilang bag sa loob ng venue. Tanging mga cellphone at wallet lang ang pinayagang dalhin sa loob ng MOA Arena.

Walang prior announcement na bawal ang bag sa loob ayon sa ilang nanood nung maulang Lunes ng gabi.

Kaya ang ending, nang kinukuha na nila ang bag, kagulo na at parang basurahan na raw ang mga lugar na pinaglagyan ng bag ng mga nanood na karamihan ay nagbayad ng mahal.

Given ang mahigpit na security sa concert ng international pop singer dahil nga sa nangyaring terrorist attack sa kanyang concert sa Manchester kamakailan lang na bahagi ng kanyang Dangerous Woman Tour pero hindi naman daw inasahan ng mga sumugod sa MOA na ganun ang mangyayari.

Ganun pa man kahit nagdusa sila, puro papuri pa rin ang ginawa ng mga nanood sa ginawang performance ni Ariana na maraming pinasikat na kanta. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with