^

PSN Showbiz

Concert ni Regine may second night na!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Concert ni Regine may second night na!

Regine Ve­las­quez

In-announce ni Regine Ve­las­quez sa social media na dalawang gabi na ang concert niyang R3.0 na produced ng Viva Live. Marami kasi ang nagreklamo na naubusan sila ng ticket sa October 21 concert, kaya may second night na sa Oct. 22, sa Mall of Asia Arena pa rin.

“Eh sa kadahilanang hindi mai­paliwanag may 2nd night na. August 30 raw ang lavas ng chikets so mga bakla gora na sa SM!!! #toGodbetheglory.”

Tuwang-tuwa ang fans ni Regine na may se­cond night ang concert. Ang nakakaloka lang, ‘yung manonood sa first night ay gusto pa ring manood sa second night. May mga lilipad from the States para makapanood lang ng concert.

Sa Aug. 25, lalabas na ang Tadhana, in all di­gital music platforms. Hindi kami sigurado kung single ito o isa sa three CDs na bubuo sa album ni Regine.

Sa pagkakagulo ng fans sa concert at release ng Tadhana, may nagtatanong kung babalik pa siya sa Mulawin vs. Ravena bago magtapos ang fantaserye. 

Julia in love na in love kay Joshua!

Sumugod ang Joshlia fans nina Joshua Gar­cia at Julia Barretto sa Road Tour Kickoff to promote their movie Love You To The Stars and Back na ginawa sa Ayala Malls Solenad sa Nuvali, Sta. Rosa, Laguna. Punum-puno ng tao ang venue na siguradong kinilig nang umapir sa stage ang dalawa.

Ang cute ng isang video na nahuli si Julia na sinisilip si Joshua habang kumakanta. Natawa na lang ito nang malamang may nagbi-video sa kanya. Kapag naging magsyota ang dalawa, si­gu­radong very caring GF si Julia kay Joshua. Sa presscon pa lang, kita na ito ‘pag hindi masagot ni Joshua ang tanong, si Julia ang nagbu-volunteer na sumagot para sa ka-love team.

Showing na sa August 30 ang Love You To The Stars and Back na ang theme song ay Torete. Sabi ni director Antoinette Jadaone, isa ang nasabing kanta sa pinakikinggan niya habang isinusulat ang script at isa rin sa isinabmit niya sa Star Cinema para gawing theme song.

Kris open na sa nararamdaman!

Natutukso sina Kris Bernal at Rafael Rosell sa presscon pa lang ng Impostora dahil sa inamin ng aktres na kinilig siya sa kissing scene nila. Hindi raw siya makatingin sa aktor kapag tinititigan siya nito. Pati sa mga post ni Kris sa social media ay mahahalatang may soft spot sa kanya ang aktor.

Sabi nito, “I get to see and be with this guy almost everyday yet we never run out of things to talk about. There’s always something new and interesting about him. It’s fun to realize that I’m allowed to say whatever is on my mind, and no one is going to judge me for it.” Mabuti na lang at may kasamang “Thank you for the friendship @rafaelrosell” dahil kung wala, baka pag-isipan ng iba si Kris.

May mga nanghihinayang na malabong maging sina Kris at Rafael dahil taken na ang aktor. May GF ito na very understanding at suportado ang career niya at hindi selosa. In fact, pati ang GF ni Rafael, kinakampihan si Kris ‘pag naba-bash ito.

Pagpapalit ng katawan nina Vhong at Lovi inaabangan na

Guwapo ang mga anak ni Vhong Navarro, para lang silang magkakapatid sa post nito sa Instagram. Wala kayang balak mag-showbiz ang mga bagets?

Samantala, may 245,362 views na ang ipinost ni Vhong sa IG kung saan nagkapalit ang mukha nila ni Lovi Poe. Katuwa dahil pati ang boses nila, nagkapalit din. Effective na promo ‘yun ng pelikula nilang Woke Up Like This na showing na simula bukas.

Sa direction ito ni Joel Ferrer at produced ng Regal Entertainment.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with