^

PSN Showbiz

PPP hinihiritan ng extension!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hanggang ngayon na lang ang Pista ng Pelikulang Pilipino dahil bukas, “back to regular programming” na ang mga sinehan na magpapalabas na uli ng mga foreign movie.

Sigurado naman na extended ang showing sa mga sinehan ng 100 Tula Para Kay Stella, Bar Boys, at Patay Na Si Hesus dahil mainit nga ang pagtanggap ng moviegoers sa mga nasabing pelikula.

Isang linggo o pitong araw na naganap ang Pista ng Pelikulang Pilipino. May mga kababayan tayo na umaapela na magkaroon ng extension ang filmfest ng FDCP dahil hindi pa nila napapanood ang ilan sa mga pelikula na kasali.

Sila na ang may problema, hindi ang organizer ng Pista ng Pelikulang Pilipino dahil imposible na hindi sila nakahanap ng oras para manood ng mga pelikula. Kung talagang mga movie buff sila at sinusuportahan nila ang project ng FDCP, makakagawa sila ng paraan na makapunta sa mga sinehan kesehodang last full show na dahil alam nila na pitong araw lang ang film festival.

Showbiz at political news hindi nagtatagal!

Parang career ng mga artista ng current generation ang mga showbiz at political news na naluluma agad dahil nawawalan ng interes ang mga tao.

Two days lang na pinag-usapan ang isyu tungkol sa mga emote ni Kris Aquino kay Papa Ricky Lo at malamang na ganoon din ang mangyari sa isyu tungkol sa mga reklamo niya laban kay James Yap.

Hindi na masyadong pinag-uusapan ang mga pasabog ni Patricia Bautista laban sa kanyang estranged husband na si Comelec Chairman Andres Bautista, matapos na pagpistahan ng publiko ang mga ganap sa kanilang mga personal na buhay.

Ang pagkamatay ng bagets na si Kian delos Santos ang hottest topic ngayon ng lahat pero sigurado na matatabunan ito ng mas malaki at naglalagablab na balita.

Sure ako na mataas na naman ang rating ng Kapuso Mo Jessica Soho dahil tinalakay sa programa ni Mama Jessica noong Linggo ang kaso ni Kian.

As expected, balanseng-balanse ang paglalahad ng Kapuso Mo Jessica Soho sa controversial case ni Kian kaya nasa publiko na ang judgment.

After 34 years, pumatay kay Ninoy Aquino ‘di pa rin nadidiskubre

Kahapon ang 34th death anniversary ni former Senator Ninoy Aquino na pinatay noong August 21, 1983 sa Manila International Airport. Big news sa buong mundo ang pagpaslang kay Ninoy pero hanggang ngayon, hindi pa nadidiskubre kung sino ang utak ng pagpatay sa kanya.

Hindi man natukoy ang identity ng nag-utos na patayin si Ninoy, marami ang nagsasabi na nagkaroon ng hustisya ang nangyari sa kanya nang ma­ging presidente ng bansa si Mama Cory at ang kanilang anak na si Noynoy.

Ang popularidad ni Ninoy ang naging daan para matupad ang pangarap ni Kris na maging showbiz personality.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with