^

PSN Showbiz

Tula audience choice, Birdshot critic’s choice sa PPP!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Tula audience choice, Birdshot critic�s choice sa PPP!

Liza

Bukod sa pagiging top grosser sa isinasagawang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na magtatapos ngayong araw, ang 100 Tula Para Kay Stella ang itinanghal na Audience Choice Award sa ginanap na PPP Thanksgi­ving Night nung Linggo ng gabi.

Ang pelikulang Birdshot naman ang pinagkalooban ng Critic’s Choice Award. Jury’s Choice Award ang pelikulang Patay na si Hesus starring Jaclyn Jose.

Hindi namigay ng award ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pangunguna ni Ms. Liza Diño, FDCP Chair and CEO, sa 12 na pelikulang sumali sa PPP. Tanging appreciation lang.

Binanggit na ni Ms. Liza na nag-commit na ang mga sinehan sa susunod na PPP sa susunod na taon. Sinabi rin niyang plano nilang bawasan mula sa 12 to 8 ang entries para mas maraming sinehan ang bawat pelikula.

Walang duda na tagumpay ang kauna-unahang PPP.  Kaya naman nagpapasalamat si Ms. Liza. Nabanggit din ni Ms. Liza sa Thanksgiving Night na maging ang mga sinehan sa probinsiya ay hindi makapaniwalang nadala sa kanila ang mga pelikulang hindi dati nagkakaroon ng puwang sa mga sinehan.

Pawang pinupuri ang mga kasali sa PPP bagama’t may ilang pinipintasan, mas nakararami pa rin ang mga pelikulang nagustuhan ng mga manonood lalo na ang mga estudyante.

Ang maganda talaga sa ginawa ng FDCP ay lahat Tagalog ang mapapanood mo sa mga sinehan. Walang kahit isang English sa buong bansa.

Narito ang iba pang binigyan ng pagkilala ng PPP:

Sine Kabataan Short Film competition winner

Amazing By Choice Award:

Fat You

Ang Kapitbahay ko sa 2014

Jury’s Choice Award:

Pahimakas

Delayed si Jhemerlyj Rose

Sine Kabataan Best Picture: 

Ang Unang Araw ng Pasukan

Marian Rivera

Marian bumuwelta sa pekeng account sa Twitter

Tapos na ba ang maliligayang araw ng administrator ng parody account ni Marian Rivera sa Twitter na Fake Marian Rivera @superstarmarian na almost half a million na ang followers?

Actually, sumikat ang nasabing account dahil nga sa mga nakakatawang post at umabot sa puntong naging influencer na ang may hawak ng account. Pero noong isang araw ay nag-react na si Marian nang mag-comment ang may hawak ng account tungkol kay Pres. Rody Duterte na obviously ay ikinapika na ni Marian “FYI: Wala po akong Twitter account, hindi po ako si “superstarmarian” sa twitter at hindi ko rin kilala ang taong nasa likod nito. At sana tumigil na ang ganitong mga account na gumagamit sa pangalan ng ibang tao,” apela ni Marian.

As of presstime ay activated pa rin ang nasabing account.

Will Devaughn at Roxanne Barcelo

Roxanne at Will matagal naghintay sa sariling pelikula

Kahit apat na taon na ang magkarelasyong Roxanne Barcelo at Will Devaughn first time nilang nagsama sa pelikula. Pero bukod sa pagtatambal nila, sinugalan din nila ang kauna-unahan nilang proyekto, ang romantic-comedy na I Found My Heart in Santa Fe na kinunan entirely sa picturesque island of Santa Fe in Cebu.

Aminado sila na pareho nilang gustong maka­trabaho ang isa’t isa sa pelikula o TV project noon pa man kaya nang dumating ang pagkakataong ito na sila ang magiging bida sa proyektong tungkol sa nakakatuwang pagmamahalan sa direksiyon ng indie filmmaker na si Bona Fajardo, hindi nila pinakawalan pa.

Sa I Found My Heart In Santa Fe, Roxanne plays the role of Jennifer na isang smart, hardworking at magandang island girl na may kakaibang personalidad kaya maraming kalalakihan ang nai-in love. At dahil din sa recent heartache sa kanyang personal na buhay, naging mas wiser siya sa larangan ng pag-ibig.

Siya rin ang nagma-manage ng kanilang family-owned business na Beach Placid.

On the other hand, si Will naman ay si Viktor na isang German-Filipino na mahilig sa mga adventure at nagmamay-ari ng sarili niyang kompanya na  Green Technology na naka-focus sa pagdi-develop ng isang bansa.

Every woman’s dream si Viktor dahil bukod sa kanyang pagiging mayaman, athletic, music lover, siya ay isang simpleng lalaki na pinipilit buuin ang missing pieces sa kanyang buhay. Hinahanap niya ang kanyang nanay na Pinay.

Doon magtatagpo ang landas ng dalawa at magsisimula ang nakakakilig na journey ng kanilang pagkakainlaban.

Sa trailer pa lang, parang gusto mo nang pumunta sa Santa Fe.

Ayon kay Direk Bona nanghihinayang siya sa Santa Fe nang marating niya ito. Kaya naman agad siyang nag-isip ng isang kuwento na babagay sa lugar at doon na nabuo ang love story nina Jennifer at Viktor.

Ipalalabas ito sa September 15 sa mga sinehan na pinaglalabasan ng Cine Lokal, ang proyekto ng FDCP.  Ang I found My Heart in Santa Fe ay kauna-unahang pelikula na sa Cine Lokal lang mapapanood.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with