^

PSN Showbiz

Dahil kay Janine, Rayver inaayos na ang paglipat sa GMA?!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Tuwang-tuwa ang mga star ng GMA Artists Center na dumaan sa intensive acting workshop sa ilalim ng training ng New York acting teacher na si Anthony Vincent Bova.

Noong nakaraang Huwebes ang kanilang graduation na sinuportahan din ng mentors nilang sina direk Maryo J. delos Reyes at Laurice Guillen.

Ilan sa mga nagpapasalamat nang husto ay sina Gil Cuerva at ang magiging leading man ni Marian Rivera sa Super Ma’am na si Matthias Rhoads.

Pagkatapos ng My Love From the Star, kailangan daw mag-training pa ni Gil para sa susunod niyang project. Nakahanda naman daw siyang pagupit ang mahaba niyang buhok kung kinakaila­ngan sa role na gagampanan niya. Nakasanayan na kasi ni Gil ang mahabang buhok mula pa noong nag-aaral siya. Pero ngayong artista na, kailangan daw niyang tanggaping hindi lahat ng role na gagampanan niya ay kailangan ng long hair.

“Kasi when you accept the role, you accept your character. Hindi naman ako magiging Gil Cuerva sa next role ko, so if they need to cut my hair, open naman po ako,” pahayag ni Gil.

PAK: Kung marami-rami na ring Kapuso stars na nagsipaglipatan sa Kapamilya network, may ilang Kapamilya stars naman na narinig naming inaayos na raw ang pag­lipat sa Kapuso network.

Totoo kayang matutuloy na ang paglipat ni Ejay Falcon sa GMA 7?

Wala na kasi siyang kontrata sa Kapamilya network at hawak na siya ng PPL Entertainment ni Perry Lansigan na mas malapit sa mga taga-GMA 7. Kaya posible talaga.

Ang isa pang na­rinig naming ina­­ayos na raw ang pa­giging Kapuso ay si Rayver Cruz. Wala kaming ideya sa kontrata ni Rayver sa Kapamilya network, pero ang latest na nariri­nig namin ay si direk Maryo J. delos Reyes na raw ang manager nito.

Pinag-uusapan na raw ang pagiging Kapuso niya kung magkakaayos sa terms. Eh, balitang nililigawan din ng binata si Janine Gutierrez. Sila na kaya?

Hindi pa namin ito nakumpirma kay direk Maryo. Abangan na lang natin!

BOOM: Hindi na mabilang ni Ricky Davao ang gay role na ginagampanan niya. Isang bading na si Jose/Josie Asuncion na naman ang ginagampa­nan niya sa bagong romcom series ng GMA 7 na My Korean Jagiya nina Heart Evangelista at Korean singer/actor na si Alexander Lee.

Wala namang keber ang maga­ling na actor at director kung malilinya siya sa gay role dahil sure na sure siya sa kasarian niya.

Nakakarating nga raw sa kanya na napapagdudahan na siya dahil sobrang kampante siya sa kabadingan.

“Mamatay sila sa duda,” natatawang pakli ni Ricky.

“Naisip ko nga minsan ‘wala na si Ricky Davao. Ricky Davao is dead, si Kim Chi na ako ngayon!” natatawang biro ng premyadong aktor.

Pero sa totoo lang, itinutulak na raw siya ng mga anak niyang magka-girlfriend. Nanatiling friends naman daw sila ni Jackie Lou Blanco, at walang pakialamanan sa kani-kanilang lovelife.

Nagkaroon daw siya ng girlfriends noon, pero sa ngayon ay tutok siya sa trabaho at napapansin na ng mga anak niyang sobrang zero ang kanyang lovelife.

“Ang mga anak ko nga minsan, ‘o what happened’?

“Sila nga ang nagsasabi na go out.

“Mga daughters ko nga nagsasabi na huwag work nang work, kasi nakikita nila umuuwi ako ng 6 o 7 in the morning, paalis pa lang sila.

“Tapos minsan, isinasama nila ako hindi ako makasama kasi itutulog ko na lang, dahil may work kinabukasan,” pahayag ni Ricky.

Hindi naman daw siya naghahanap sa ngayon. Naniniwala siyang dara­ting ang tamang babae para sa kanya sa tamang panahon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with