^

PSN Showbiz

?James kinuyog ng followers ni Kris! Annabelle Rama maagang ‘pinatay’ ang kapatid!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Nag-promote kahapon sa Sunday PinaSaya ang cast ng My Korean Jagiya, maliban kay Heart Evangelista, ang lead actress ng bagong teleserye ng GMA 7.

SCENE: Palaban ang fans at supporters ni Kris Aquino dahil kinukuyog nila si James Yap sa social media. Sumasagot si James pero hindi umubra ang paliwanag niya sa fans ni Kris na sarado ang isip sa kanyang mga katwiran.

SEEN: Tumalsik ang laway ni Enchong Dee sa hosting gig niya kahapon sa ASAP. Si Enchong pa ang nag-announce ng pagtalsik ng laway niya.

SCENE: Tatlong magkakasunod na araw na nag-promote ng Fangirl/Fanboy sina Ella Cruz at Julian Trono sa Nueva Ecija, Pangasinan, at Tarlac. Hindi na sila umuwi ng bahay noong Sabado at kahapon.

SEEN: Ngayon ang 64th birthday ng actor star na si Phillip Salvador. Maraming offers na television guestings si Phillip pero busy siya sa kanyang negosyo na walang kinalaman sa showbiz.

SCENE: Nauna ang tweet ni Ruffa Gutierrez na namatay noong Sabado ang Tito William niya, ang nakababatang kapatid ng kanyang nanay na si Annabelle Rama. Kahapon lamang pumanaw sa Amerika si William.

SEEN: Humingi ng paumanhin si Annabelle Rama dahil sa kanyang maling impormasyon na sumakabilang-buhay noong Sabado ang kapatid niya. Nagkamali ng intindi si Annabelle sa sinabi ng isang kapatid niya na doktor dahil iyak siya nang iyak at kulang sa tulog.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with