^

PSN Showbiz

Patay… ni Jaclyn hinahabol sina Bela at JC

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Mamayang gabi na mapapanood ang pilot episode ng bagong motorcycle show na ihu-host ni Jay Taruc, ang PH Rider with Jay Taruc sa GMA News TV.

Isa sa gustong ipakita nina Jay sa programang ito ay ang tamang paggamit ng motor, lalo na’t sa panahon ngayon ay kinatatakutan ng iba ang mga naka-motor dahil sa riding in tandem.

“Gusto natin mag-offer ng tips. Ito yung proper riding position, ito yung mga dapat mong isuot, paalala sa riders.

“At the same time iku-cover namin yung local motorcycle culture,” pahayag ni Jay Taruc.

Sa pilot episode ay mapapanood ang pagbiyahe ng motor mula Maynila hanggang Sta. Ana. Cagayan.

PAK: Ang dating sexy star na si Katrina Paula ang napiling kandidatang lalaban sa Mrs. Queen of VOAA Universe na gaganapin sa Fukuoka, Japan.

Ang ibig sabihin daw ng VOAA ay Voice of An Angel na sinimulan ni Emma Cordero.

Mga charity projects daw ito na kung saan marami silang tinutulungang estudyanteng kapos sa budget sa pag-aaral.

Ang pakay daw ng beauty contest na ito ma-promote ang charity works na matagal nang ginagawa ni Emma Cordero at ginagawa na rin ito ngayon ni Katrina.

Pinaghahandaan daw ni Katrina ang competition dahil more on question and answer portion daw ang labanan.

Kaya mga anak daw niya ang nagtuturo sa kanya ng tamang pagsagot sa mga tanong.

“Para bongga talaga ang sagot ko, sasagutin ko sila ng Tagalog. Maghanap na lang sila ng interpreter,” pakli ni Katrina.

Isa sa mga pinaghahandaan niya ay ang mga gown na isusuot niya, “Kailangan magdala ako ng limang gown.

“Binonggahan ko talaga ang gown na…meron pa akong isang gown na bongga ang Petticoat na ma­laking-malaki para tatabi na lang ang ibang kandidata,” natatawa niyang pahayag.

Natanong tuloy namin kay Katrina kung sino ang mga gumawa ng mga gown na dadalhin niya sa Japan.

“Yung gown, walk kami nang walk sa Divisoria,” natatawa niyang sagot sa amin.

“Kasama ko si Benny (Andaya). Sabi ko, halika walk tayo sa Divisoria. Hanap tayo ng gown.

“Ang daming bonggang gown dun na walang pangalan, walang ano.

“Pag may nakita kami dun na magandang gown, tanong namin magkano, five thousand, three thousand na lang yan!

“Meron ako na gown, yellow na may bonggang petticoat na hawi talaga ang ibang candidates, pero galing ng Divisoria,” ipinagmamalaki ni Katrina.

Pagdating daw sa Japan, wala naman daw makakaalam dun na ga­ling Divisoria ang mga suot niyang gown.

Sa katapusan ng buwan ay tutulak na si Katrina patungong Fukuoka, Japan dahil may activities pa raw silang gagawin doon, at maghahanda na sa laban nila sa September 3, at ang coronation sa September 4.

BOOM: Natitiyak ng FDCP Chairperson Liza Diño na masusundan pa ang Pista ng Pelikulang Pilipino sa susunod na taon.

Masaya na raw siya sa resulta sa takilya at magandang feedbacks sa mga pelikulang ipinalabas ngayong linggo.

Inaasahan niyang mas maraming makakapanood dahil sa long weekend.

Kaya nakausap daw niya ang mga theater ow­ners na gusto raw nilang magkaroon uli ng Pista ng Pelikulang Pilipino sa susunod na taon.

Ani Liza; “Ang goal ng Pista ay para magbigay ng mga bagong pelikula sa ating mga audience.

“At the same time, bigyan natin ng pagkakataon ang mga filmmakers at producers natin na kumita. Because puro Pilipino lang talaga ang line up sa ating mga sinehan.”

Hanggang Martes ito, pero walang awards night dahil hindi naman daw ito competition. Magkakaroon lang daw ng Critic’s Choice at Audience Choice.

Magandang simula na raw ito na inaasahang mas gaganda pa sa susunod na taon.

May mga ilang pelikula din na tingin niya mai-extend pa at hindi lang hanggang 22 ng buwang kasalukuyan.

Palakas daw kasi nang palakas, kaya mabibigyan pa raw ito ng mga sinehan. Bukod sa 100 Tula Para Kay Stella nina JC Santos at Bela Padilla, nagulat siyang malakas din ang Patay na si Hesus ni Jaclyn Jose, kahit Cebuano raw ang karamihang dialogue.

“Nakakatuwa, para tangkilikin siya at tala­gang mahalin at yakapin yung ganitong klaseng pelikula, I think ito ‘yung magdi-define sa anong puwedeng mabigay ng Pista ng Pelikulang Pilipino sa mga susunod pang taon,” dagdag na pahayag ni Liza Diño.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with