^

PSN Showbiz

JC tanggap ang pagkakatanggal sa movie ni Kim

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Masayang-ma­saya si JC Santos dahil nakalipat na siya sa bagong tirahan. Bumili raw ng bahay ang baguhang aktor bilang regalo na rin para sa sarili. “I just moved into another apartment. It’s my first time to settle in my life after ten years sa Manila. Kasi I’m from Pampanga. So tito mode muna ako ngayon sa pamimili sa mga furniture shops,” nakangiting pahayag ni JC.

Samantala, muling mapapanood ang aktor sa telebisyon dahil magkakaroon siya ng special appearance sa teleseryeng Ikaw Lang Ang Iibigin na pinagbibidahan nina Kim Chiu, Gerald Anderson, Coleen Garcia at Jake Cuenca.

Isang malaking karangalan kay JC na makatrabaho ang mga bida ng serye. “Magiging guest ako sa Ikaw Lang Ang Iibigin as Percy. So asahan na manggugulo ako ng love story nina Kim at Gerald doon,” giit ni JC. Dapat ay magkakasama sina Kim at ang aktor sa pelikulang Ghost Bride pero kamakailan ay napabalitang tinanggal na si JC sa nasabing proyekto. Natanggap naman na raw ni JC ang pagkakatanggal niya sa pelikulang ito ni Chito Roño dahil nasanay na rin siya sa kalakaran sa show business. “Nasanay na ako sa gano’n eh. It’s part of the process of being an actor. You get rejected and it’s fine. Then you move on to another project,” makahulugang paliwanag ni JC.

Roxanne itinanggi ang pagli-live in nila ni will

May bulung-bulungan na nagli-live in na diumano ang magkasintahang sina Roxanne Barcelo at Will Davaughn. Mahigit apat na taon na ang relasyon ng dalawa pero hanggang ngayon ay wala pa raw silang balak magpakasal.

“Live in? Hindi pa, as in everyday ako umuuwi kina Mother, gano’ng levels. Honestly very independent naman si Will at ayaw kong mag-impose ng kahit na ano na next level,” bungad ni Roxanne. “Love doesn’t ask because it’s ready to love or it’s ready to trust. Never mo naman malalaman kung ready ka. Pero bilang mature ka na, you try to gather as much data as possible. Kumbaga, magde-decide ka base do’n sa alam mo,” dagdag pa ng aktres.

Isa sa mga dahilan kung bakit ayaw pang lumagay sa tahimik ni Roxanne ay ang kanyang mga magulang. “Personally, ayokong tumanda ‘yung parents ko na hindi ko sila maaalagaan nang husto. ‘Yon ‘yung sini-secure ko ngayon. Nakatahi ‘yon sa pangarap ko. Kasi hindi naman pwedeng mangarap ka tapos ikaw lang. Ang goal ko talaga ay magtrabaho for them. Kasi ‘yon ang ginawa nila para sa amin. Nagtrabaho talaga sila nang husto para sa amin. My goal lang talaga ngayon is makapag-ipon para makapag-relax na ‘yung magulang ko,” pagbabahagi ni Roxanne.
Sa kasalukuyan ay may pino-promote na pelikula ang magkasintahan, ang I Found my Love in Santa Fe na ipalalabas sa mga sinehan sa September 6.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with