^

PSN Showbiz

Michela iba ang motibo sa pakikipagkasundo kay Kris?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hindi maingat sa pagsasalita si Michela Cazzola, ang showbiz na showbiz na girlfriend ni James Yap.

Maraming mga sinasabi na foul si Michela laban kay Papa Ricky Lo at nakakarating ito sa akin.

Hindi maganda ang ginagawa ni Michela na paninira sa isang Pilipino dahil kahit  girlfriend siya ni James, dayuhan pa rin siya sa bansa natin.

Nabasa ko ang mga interbyu kay James at ang emote nito na matagal na silang hindi nagkikita ng kanyang anak na si Bimby. Hindi raw matawagan ni James sa cellphone ang bagets dahil bawal ibigay ang numero nito.

Si Michela ang may komunikasyon kay Kris Aquino dahil siya lang ang nakakaalam ng contact number.

O di ba, playing safe si Michela dahil siya ang nasa gitna? Wala yatang nagsasabi kay Michela na mahirap pumagitna dahil ito ang madalas na nasasagasaan.

Pa-good shot si Michela kay Kris kaya si James ang nagmumukhang iniiwan niya sa gitna ng laban. Hindi tuloy masisisi ang mga showbiz observer na mag-isip na may kakaibang ugali si Michela na nag-dialogue ng “Actually, if there are no kids involved, there’s really no reason [for us] to be friends or to be cordially talking to each other…” sa tsikahan portion nila ni Dolly Anne Carvajal.

Alam ni Kris kung may motibo o wala ang mga nakikipagkaibigan sa kanya dahil intelligent girl siya.

Marunong si Kris na mag-read between the lines kaya tiyak na alam niya ang “laro” ni Michela.

Mabilis na kumalat kahapon ang apela ni Kris kay James na huwag gamitin si Bimby sa publicity para mapag-usapan ang bagong bar business ng kanyang ex-husband.

Sa totoo lang, hindi nag-iisa si James dahil nagpainterbyu rin sa bar opening ang kanyang Italian girlfriend.

Mga sikat nananawagan na rin ng hustisya sa pagkamatay ni Kian

Ang bigat sa dibdib ng kuwento tungkol kay Kian Loyd delos Santos, ang 17-year old bagets na pinatay ng mga pulis sa Kalookan City.

Nakiisa na rin ang mga celebrity at prominent personality sa pa­na­wagan na bigyan ng hustisya ang brutal na pagpaslang sa walang kalaban-laban at kawawang teenager na nakiusap sa mga pulis na huwag siyang saktan dahil may test pa siya kinabukasan.

Iba ang version ng mga pulis na pumatay kay Kian sa CCTV footage at sa mga testimonya ng mga saksi na consistent at pare-pareho ang mga sinasabi.

Pinag-uusapan sa lahat ng sulok ng bansa ang malungkot na sinapit ni Kian kaya mga nagsasabi na puwedeng isadula ng Magpakailanman o Maalaala Mo Kaya ang life story niya.

Aktres na may mga anak na, kalat pa rin sa internet ang ginawang kalaswaan noon

Mahihirapan ang aktres na takasan ang nakaraan na pilit na binubura dahil kalat pa rin sa Internet ang kopya ng sexy movie na ginawa niya noon na nagpapakita ng mga kalaswaan na kanyang ginawa.

May mga anak na ngayon ang aktres na mga expert sa mga computer at ibang klase ng gadgets. Sa isang click lang nila sa computer, bubulaga sa kanila ang mga nakakaloka na sexy scene na ginawa ng nanay nila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with