^

PSN Showbiz

Serye ni Ritz Azul naudlot na naman ang pag-ere

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Kung pinapanood ni Marian Rivera ang Ang Pagbabalik ni Alyas Robinhood, mapapansin niya na may mga eksena si Andrea Torres na magkaboses sila. Si Andrea pa rin ang leading lady ni Dingdong Dantes sa Book 2 ng Alyas Robinhood ng GMA 7.

SCENE: Ipagdiriwang ngayon ni Baeby Baste sa Eat Bulaga ang kanyang 5th birthday, kahit sa August 22 pa ang kaarawan niya. Kasing-bibo si Baste si Raymond Gutierrez noong child actor pa ito.

SEEN: Pumirma kahapon ng kontrata sa Viva Artists Agency si Guji Lorenzana. Umaasa si Guji na malaki ang maitutulong ng Viva sa singing career niya.

SCENE: Ang The Good Son ang ipapalit ng ABS-CBN sa timeslot na mababakante ng The Better Half. Si Joshua Garcia ang bida ng The Good Son.

SEEN: Mauuna pa na ipalabas ang The Good Son kesa sa The Promise of Forever, ang malapit nang mabantilawan na launching teleserye ng former TV5 contract star na si Ritz Azul.

SCENE: Ipinahanap ni Dingdong Dantes ang contact number ng character actor na si Spanky Manikan. Gusto ni Dingdong na tumulong sa pagpapagamot ni Spanky Manikan.

SEEN: Bukas, August 20,6 pm, ang Sunday for Spanky, ang fundraising event para kay Spanky Manikan na may Stage 4 lung cancer. Ang JT’s Manukan Grille, ang restaurant ni Joel Torre sa 64 Scout Borromeo ang venue ng fundraising event.

SCENE: Ang pasasalamat ni Candy Pangilinan sa lahat ng mga nanood at pumuri sa Star na si Van Damme Stallone bago ito ma-pull out sa mga sinehan. Bida si Candy sa pelikula na official entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP).

SEEN: Ang surprise guesting kahapon nina Coleen Garcia, Eric Tai at Kim Atienza sa It’s Showtime para sa 41st birthday celebration ni Jhong Hilario.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with