^

PSN Showbiz

Mag-Inang showbiz na adik sa gym sumisimple sa mga pagkain sa lobby ng hotel

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kilalang-kilala sa isang sosing hotel ang mag-inang personalidad na ito. Kahit nakatalikod pa sila ay hindi maaaring magkamali ang mga nagtatrabaho sa kilalang hotel, sila talaga ‘yun, hindi maliligaw ang tropa.

Ang tawag sa kanila sa nasabing hotel ay “Tikim Girls.” Hindi sila nakikipagtikiman sa mga kalalakihan sa sikat na hotel, iba ang pinag-ugatan ng tawag sa kanila, ganito ang kuwento.

Ayon sa isang miron, “Du’n kasi sila laging nagdyi-gym. Sabay silang dumarating, diretso agad sila sa gym, matagal din sila du’n. Natural, pagkatapos nilang mag-gym, gutom na sila nu’n, di ba?

“Pero hindi sila agad lalabas ng hotel, du’n muna sila sa may lobby, may nakahanda kasing food du’n para sa mga hotel guests. Siyempre, look around muna sila, tapos, tatanungin nila sa mga waiter, ‘Masarap ba ang food n’yo?’

“So, tikim na sila nang tikim ng mga nakahaing pagkain sa long table. Sarap na sarap sila sa kakakain hanggang sa mabusog na sila. Palaging ganu’n ang ritwal nila pagkatapos nilang mag-gym.

“Basta, tikim lang sila nang tikim, marami rin silang nakakain, ha? Kaya nagtatawanan ang mga nandu’n, para ano daw at gym sila nang gym, kung ganu’n naman na kain din sila nang kain after?” humahalakhak na kuwento ng source.

Pero nababaitan ang mga tauhan ng hotel sa madir kesa sa kanyang anak. Maganda kuno ang PR ng nanay kesa sa kanyang daughter. Kailangan daw turuan ng mother ang kanyang daughter tungkol sa magandang pakikipagkapwa-tao.

“Mabait ‘yung nanay, palaging nakangiti, nakikipagkuwentuhan siya kahit sa mga janitor ng hotel. Wala siyang angas, napakaganda niyang makisama, kaya like na like siya ng hotel staff.

“E, ang anak niya? Naku, para namang may sariling mundo ang babaeng ‘yun, e! Itsura pa lang niya, e, maldita na siya! Parang kahit kaunting katangian lang ng nanay niya, e, hindi nakuha ng babaeng ‘yun!

“Ang madir ang okey, samantalang siya naman ang may karapatang magmalaki, di ba? Siya ang may nakaputong na korona sa ulo habambuhay! Hinding-hindi siya mabubura sa kasaysayan ng pagandahan, sa totoo lang!” napapailing pang kuwento ng source.

Ubos!

James at Nadine kanya-kanya na!

Malungkot na malungkot ngayon ang mga JaDine supporters. Wala na silang choice kundi tanggapin ang desisyon ng mga namamahala sa career ng kanilang mga idolo na paghiwalayin muna sila.

Hindi maintindihan ng mga tagahanga nina James Reid at Nadine Lustre ang desis­yon ng Viva Entertainment na itambal muna sila sa iba. May ginagawa nang proyekto nga­yon si James na hindi si Nadine ang kanyang katambal.

Ang dalaga naman ay malapit na ring magsimulang gawin ang isang pelikula na hindi rin si James ang kanyang ka­sama, pero maganda raw ang proyekto, hahangaan daw ang young actress sa kuwento ng pelikula.

Kung sino ang nagplanong paghiwalayin muna ang love­team ay gustong malaman ng mga JaDine fans. Maling-mali raw ang desisyon, gusto na raw sigurong buwagin talaga ang loveteam, samantalang napakabenta nila sa publiko.

Pero mas may alam ang nagdesisyon, malaki ang ipinuhunan ng kanilang management agency para marating nila ang popularidad na hawak nila ngayon, alam ng mga ito ang kanilang ginagawa at kung ano ang magiging resulta ng paghihiwalay muna kina James at Nadine.

Nakarating naman sa amin ang impormasyon na matagal na palang nagli-live-in sina James at Nadine. ‘Yun ang dahilan kung bakit pinu­pog sa social media ang dalagang aktres, sinabi niya kasi na walang masama sa pagli-live-in, lalo na ngayong panahon na ng milenyal.

Maraming nanghihinayang sa kanilang tambalan dahil mukhang napag-iiwanan na sila ngayon ng kanilang mga kasabayang LizQuen at KathNiel.

Komento ng mga sumusubaybay sa kanilang career ay maaga silang nagpadala sa kanilang emosyon. Sa halip na career daw ang bigyan nila ng tutok at panahon ay inuna muna nila ang kanilang relasyon.

Pero ganu’n talaga ang mga taong nagmamahalan, walang pi­na­kikinggang payo, dahil mas malakas ang dikta ng kanilang puso.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with