^

PSN Showbiz

Zanjoe umaming may pagkakaintindihan na sila ni Bela

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Pero gustong gawing private

Napababalitang nililigawan na diumano ni Zanjoe Marudo si Bela Padilla. Huling nagkatambal ang dala­wa sa tele­seryeng My Dear Heart na nagtapos noong June. “Kami ni Bela magkaibigan talaga kami. Na­ging close kami sa My Dear Heart kaya mayroon ka­ming pagkakaintindihan bilang magkaibigan,” bungad ni Zanjoe.

Wala raw ibang dini-date ang aktor ngayon at hindi nagmamada­ling magkaroon muli ng kasintahan. “Ayaw kong madaliin ang mga bagay. Kasi nadidiskaril ‘pag madaming mga nangunguna. Kaya sana kung ano ‘yung tungkol sa personal ko, gusto ko maging private,” makahulugang pahayag ng binata.

Sa ngayon ay nag-e-enjoy si Zanjoe sa pagiging single at ang trabaho raw muna ang pinagtutuunan ng kanyang panahon. “Siguro hindi lang ako nagmamadali kasi marami na din akong natutunan from the past relationships ko. Ngayon lang din naman ako naging single for the longest time, so ini-enjoy ko,” giit pa niya.

Sa isang pahayag ni Bela kamakailan ay nabanggit ng aktres na bukas siya sa posibilidad na maging kasintahan ang aktor.

Samantala, matatandaang si Bea Alonzo pa ang na­ging huling kasintahan ni Zanjoe mula taong 2011. Tumagal ng mahigit limang taon ang naging relasyon ng dalawa na nagtapos noong isang taon.

Ryle maraming natutunan sa anak ni Randy

Sobrang ikinalungkot ng Hashtags member na si Ryle Santiago ang pagkamatay ng pinsang si Ryan Santiago kamakailan. Anak si Ryan ni Randy Santiago na kapatid ng ama ni Ryle na si Reiley Santiago.

Pumanaw si Ryan dahil sa komplikasyon ng multiple sclerosis sa edad na dalawampu’t apat.  “It is very sad­dening because he was very young. He was 24 (years old) and the Lord chose to take his life, take him back. Nakakapagtaka lang kasi he’s young. Usually ang bata ang maglilibing sa kanyang parents pero in this case, ang parents ang nagli­bing sa kanilang anak. So ‘yun, talagang masakit,” emosyonal na pahayag ni Ryle.

Ayon sa baguhang aktor ay isa si Ryan sa pinakamalapit sa kanya sa lahat ng pinsan. Marami rin daw mga bagay na natutunan si Ryle mula sa kanyang kuya Ryan noong nabubuhay pa ito. “He was a very creative person. He was very imaginative. So siguro just mind your own opinion. Kung ano ang opinion mo, don’t be afraid to share it like Lady Gaga, dahil gusto niya si Lady Gaga. Go kung ano man ang trip mo. Sa ‘yo ‘yun and no one can tell you otherwise and iyon ‘yung best lesson I could learn from him,” pagbabahagi ni Ryle.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with