^

PSN Showbiz

James nagsawa na sa pagsuyo sa anak

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
James nagsawa na  sa pagsuyo sa anak

James Yap

Ramdam pala ni James Yap na ayaw sa kanya ng anak niyang si Bimby kaya hindi na niya ipinipilit ang sarili.

Ito ang inamin niya sa interview ng kaibibigan si Arniel Serato ng pep.ph.

Ayon kay James, ramdam niya kaya ayaw na niyang isiksik ang sarili sa anak nila ni Kris Aquino na obvious na hindi pa niya kasundo hanggang ngayon. “[Ipag]siksikan mo ang sarili mo, tapos wala namang development, parang maano ka rin...

“Kumbaga, sorry sa word, magsasawa ka rin, kasi masasaktan ka lang,” sabi ni James sa interview.

Ang meron daw communication ay ang live in partner niyang si Michela Cazzola. Pero bawal daw niyang kunin ang number ng anak. “Wala akong number sa kanila. Si Mic ang may number sa kanila. Si Kris ang nagbibigay ng number, bawal daw kunin,” tugon ng basketbolista sa interview.

Walong buwan na raw niyang hindi nakikita ang anak na nang makasama naman niya nung New Year ay sinugod niya pa sa hospital dahil sa lagnat.

Mga pelikula ng aktres consistent na masaklap ang kapalaran

Parang inaalat talaga ang career ng isang actress pagdating sa pelikula.

Laging semplang ang mga nasasamahan niyang proyekto.

Triplets

Hindi kumita ang isang movie na isa siya sa mga bida nang ipalabas ito hindi pa gaanong natatagalan.

At ito meron na naman siyang pinapalabas na pelikula pero waley pa rin, kulelat uli.

Dapat siguro sa actress, wag tanggap nang tanggap ng film assignment. Mamili lang ng bagay sa kanya. Hindi ‘yung kahit ano na lang, masabi lang yatang meron siyang pelikula.

Tina hindi raw binalikan si Ramon Christopher

“True ba na nagkabalikan kayo ni Ramon Christopher?” Tanong ko kay Tina Paner nang makita namin siya sa presscon para sa comeback concert ng Triplet nila nina Sheryl Cruz and Manilyn Reynes.

May ilan kasing nagsusulat na nag-reconcile nga sila after decades at magkaroon ng kanya-kanyang pamilya na nauwi sa hiwalayan.

Sa Spain namalagi noon si Tina at nagkaanak ng isa.

Si Ramon Christopher naman ay nakahiwalay ang misis na si Lotlot de Leon.

Parang kelan lang ‘yun pero super throwback na ang mga pangyayari.

Fast forward sa kasalukuyang panahon. Nagbalik sa bansa si Tina  at nagka-career uli habang si Ramon ay hindi na madalas. Pero lately natsismis nga sila.

Ayon kay Tina, nadalas lang ang pagsasama nila pero for a show at wala talagang nangyaring balikan.

Anyway, magaganap sa September 9 ang Triplet the concert. Nangako ang tatlong sikat noong 90s na bubuhayin nila ang glory days ng nasabing era.

Ito ang first formal reunion on stage ng triplets.

Nauna na silang napanood na magkakasama sa seryeng Meant to Be ng GMA 7.

Kabilang siyempre sa mga mari­rinig nilang aawitin ang mga pinasikat na kanta noon.

Tina is known for her songs: Tamis Ng Unang Halik, Sana, Maayong Pasko, and Umiibig Ka Pala Sa Akin.

Ang ilan naman sa hit songs ni Manilyn ang Sayang Na Sayang, Ikaw Pa Rin, Feel Na Feel, Mr. Disco, Ingat Ka, Mahal Kita, Nandito Pa Rin, and Kulang Pa Ba.

Sheryl Cruz’s hit songs include : Sabi Ko Na Nga Ba, Mr. Dreamboy, Ikaw Ang True Love Ko, Sagot Ng Puso, Walang Ganyanan, and Ako’y Iyong-Iyo.

The concert is a production of Striking Star Productions. Triplet is directed by Frank Mamaril under the musical direction of Gerry Matias. Guests include Ivan Dorschner, Jak Roberto, Addy Raj, Ken Chan and other surprise stars. 

Anne may ka-apelyidong singer

May singer palang Curtismith ang pangalan.

In all fairness, akala ko kamag-anak siya ni Anne Curtis Smith. Hahaha.

Pagkalaki-laki pa naman ng billboard ng nasabing singer para sa isang brand ng softdrinks.

Kanta ni Migo nasa top spot agad ng itunes

Hindi nagpahuli ang Starstruck VI Ultimate Male Survivor na si Migo Adecer dahil naglabas na siya ng kanyang first single, entitled I Long to Ask You noong August 15.

Pero may spot na agad ang said single sa iTunes Philippines.

Proud si Migo dahil nagustuhan ng fans ang kanyang debut song. Masaya rin ang Kapuso star dahil sa walang humpay na suporta ng kanyang mga tahaganga sa kanyang first love, ang pagkanta.

 “I’m very happy that the song has received a lot of love, especially when I’m a newcomer in the music scene. I’ve always been vocal about my passion in music and now that I’m finally doing it, I’m really happy,” pagbabahagi ni Migo.

Ang kanta ay isinulat mismo ni Migo with the music produced by award-winning producer Alwyn Cruz.

Kaabang-abang ang music video ng I Long to Ask You na directed by Miggy Tanchangco at mapapanood na ngayong buwan.

Bukod sa pagkanta, hindi nawawalan ng acting assignment si Migo sa GMA 7.

                                                    

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with