^

PSN Showbiz

Woke up… nina VHong at Lovi 10 million na ang views

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Garantisadong 100 percent ng non-stop entertainment ang latest family comedy for all ages ang Regal offering na Woke Up Like This na pinagbibidahan nina Vhong Navarro at Lovi Poe. Aba, nang mapanood ang rough copy ng Joel Ferrer movie, ang lakas ng hagalpakan ng mga taong nakasaksi ng kalokohan ni Vhong at kakikayan ni Lovi, huh!

Bihasa na rin ang Regal sa paggawa ng comic films na pampamilya. Patunay ang latest blockbus­ter nitong Our Mighty Yaya na pinagbidahan ni AiAi delas Alas.

Eh sumasabay din kasi ang Regal sa mga uso ngayon sa mga millennial dahil ang titulo na Woke Up Like This ay nagmula sa malikhaing isipan ng millenials, huh!

Bida sa movie ang Prime Comedian na si Vhong bilang Nando, Hari ng Hardcourt, at Prime Actress na si Lovi, Reyna ng Rampa, bilang si Sabrina. Isang buwakaw sa basketball court at maldita sa rampahan at mapang-api sa mahihirap ang biglang nagkapalit ng kasarian dahil sa hindi magandang ugali.

Doon na nagsimula ang riot na eksena ng dalawa. Kung lalaki pa lang ay si Vhong ay todo na ang husay sa pagpapatawa, gayundin si Lovi sa mga kilos at bitaw ng salita sa kada eksena habang babae pa.

Nang mabaliktad na ang mundo nila, lumabas ang pagiging maa­ngas na lalaki si Lovi pero nakakatawang panoorin. Si Vhong naman bilang babae, super conscious sa mukha at animo ay tunay na girl ang kasarian! Kapag magkaeksena, sumasabog ang chemistry nila bilang comic tandem!

Eh, lumabas din ang kakikayan ng iba pang female cast gaya nina Cora Wadell, Yana Asistio, at Dionne Monsanto kaya naman kapag nagsama-sama na sila ni Lovi sa screen, kakabagan sa katatawa ang manonood!

Sina Joey Marquez at Bayani Agbayani naman, winner din ang comic scenes lalo na sa eksenang naliligo ang huli habang pinanonood siya ni Vhong bilang Sabrina!

Unang comedy movie ito ni Lovi pero naitawid niya ito. Tawag nga tuloy sa kanya ng writers ng movie, “LPJ” o Lovi Poe, Jr., huh! Aba, natural comedian din ang nayamapang Action King bukod sa magaling na Action King!

Dahil sa galing ng dalawang prime actors, hayun at umani nang almost 10-M views ang trailer nito sa social media. Maging sa malls na puntahan nila, umaapaw ang tao at bentang-benta sa kanila ang antics ng dalawang bida!

Bilang bonus, may surprise appearance ang ilang kasama ni Vhong sa It’s Showtime! at ilang basketball players. May sarili rin silang eksenang katawa-tawa kaya naman sumugod na sa Agosto 23 sa sinehan na showing ito sa buong bansa!

Isa lang ang pelikula sa 24 movies na gagawin ng Regal. Kasalukuyan nang sinu-shoot ang mga pelikulang Recipe For LoveChristian Bables at Cora Wadell; This Time I’ll Be SweeterBarbie Forteza, Ken Chan, at Thea Tolentino; The Debutantes, Haunted Forrest; My Fairy Tale Love StoryJanella Salvador at Elmo Magalona at iba pa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with