^

PSN Showbiz

Alexander Lee hindi nakalimutan si Heart sa Sunday Pinasaya…

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Naikuwento ni Alexander Lee na nang i-offer sa kanya ang My Korean Jagiya ng GMA 7, 50 percent agad siyang pumayag. Nang malamang si Heart Evangelista ang makakatrabaho ay doon na siya pumayag ng 100 percent.

Naaalala niya ang aktres nang mag-guest siya sa Party Pilipinas noon. Hindi nito akalain na after ilang years, makakatrabaho niya si Heart at sa drama series pa. Mas nakilala niya ang aktres habang nagti-taping sila.

“I was overwhelmend when she gave me a birthday dinner in her home. I thought it was just a birthday dinner, but it was a feast with a lot of foods. It was one of my best birthdays ever. I am so thankful to Heart,” wika ni Alexander.

Isa sa mge eksenang dapat abangan sa My Korean Jagiya ang piggy ride ni Gia (Heart) kay Kim Jun Ho (Alexander). Lalo kasing nagkaroon ng Korean feel ang series dahil sa nasabing eksenang. Sa direction ni Mark Reyes, sa Monday na ang pilot nito after Mulawin vs. Ravena.

Mga director at scriptwriter, Nakikipagsabayan na rin sa mga artista

Totoo ang binanggit nina directors Jun Robles Lana at Perci Intalan na nagbago na ang kalakaran sa local showbiz. Nagiging mainstream blockbusters na ang indie film at sumasabay na sa kasikatan ng mga artista ang scriptwriters at mga director. Hindi na lang ang cast ang inaalam ng moviegoers, pati kung sino ang scriptwriters at directors. Nagiging kampante ang fans ‘pag nalaman ang scriptwriter at director.

Kaya naman, ipinakilala nina direk Jun at direk Perci ang five directors under their The IdeaFirst Company.

Una sa grupo si Prime Cruz na director ng Sleepless at Ang Manananggal Sa Unit 23B na isa sa entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) at director ng Pambansang Third Wheel ng Viva Films. Si Mike Livelo na director ng I Love You To Death, Tanods, at Forever Young.

Si Dominic Lim na director ng The Write Moment. Kasama rin si Ivan Andrew Payawal na director ng I America at The Debutantes. Si Sigrid Andrea Bernardo na director ng Ang Huling Cha Cha Ni Anita at ang blockbuster na Kita Kita. Siya rin ang director ng Mr. & Mrs. Cruz ng Viva Films tampok sina Ryza Cenon at JC Santos.

Si direk Jun ang director ng Ang Dalawang Mrs. Reyes at ang The Nurse. Ginagawa ni direk Perci ang My Fairy Tail Love Story.

Professional acting teacher na si Anthony Bova magliliwaliw muna sa ‘Pinas

Magtatapos ngayon ang three-day acting workshop ng 46 Kapuso stars under New York professional acting teacher Anthony Vincent Bova. Pero hindi siya agad babalik sa New York dahil bibisita pa raw siya sa islands ng bansa.

Kung magtatayo si Mr. Bova ng acting school dito, dapat in association with GMA Network and Laurice Guillen and daughter Ana Feleo. Nakilala niya sina Laurice at Ana dahil kay Eric Morris na mentor ni Mr. Bova.

“I’m honored to be here in your beautiful country and beautiful people. As for the workshop, I will lead them and there will be empowered transformation,” sabi nito.

Ryza bitbit lagi ang BF, natakot sa banta ng basher!

Kasama ni Ryza Cenon sa opening ng 1st Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) ang BF nitong si Cholo Barretto. Hindi namin naitanong kung kasama sa pag-iingat ni Ryza ang pagpapasama sa BF sa public places para makaiwas masaktan ng viewers ng Ika-6 Na Utos.

Inamin ni Ryza na first time niyang matakot sa banta ng viewer na ‘pag nakita raw siya ay sasabunutan at bubuhusan ng asido.

Kasama sa entry sa PPP ang Ang Manananggal Sa Unit 23B nina Ryza at Martin del Rosario, showing ito sa 160 cinemas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with