^

PSN Showbiz

Bibig ni Vice Pinasususian na

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Isa akong tagahanga ni Vice Ganda at hindi naman talaga matatawaran ang husay niya sa paghu-host at pagpapatawa. Pero minsan ay lumalagpas siya not knowing na nakakasakit na pala siya ng damdamin ng iba tulad na lamang sa nangyari last week kung saan ay binanggit niya ang pangalan ng veteran journalist na si Tony Calvento at iniugnay sa isang contestant ng Tawag ng Tanghalan, isang segment ng It’s Showtime. Sa bilis mag-isip ni Vice Ganda, nakakapagbitaw siya ng biro na hindi maganda sa pandinig.

Hindi na ito ang unang beses na nalagay sa alanganin si Vice. There was also a time na nabanggit niya ang pangalan ng respetadong TV journalist/host na ng GMA na si Jessica Soho na naging dahilan din ng pagpa-public apology ni Vice kay Jessica.

Not too long ago, nabanggit din ni Vice ang patutsada sa GMA nang sabihin nitong “Kung ang GMA ay where you belong, bakit sila nagsisilipatan?”sa kanilang It’s Showtime program. 

Nagkataon naman na dalawa sa mga judge ng Miss Q & A portion that time ay parehong galing ng GMA na sina Karylle at Bela Padilla kaya natatawang nag-sorry si Vice.

Although comedian at pasaring biro ang bitaw ni Vice Ganda at nakakatawa sa marami, hindi ito nakakatawa sa mga taga-GMA lalupa’t nasa rival network siya.

Bagitong direkor ng Kita Kita, kaliwa’t kanan ang offer

Bukod sa pagpu-produce, pagku-co-produce at pagla-line producer ng mga pelikula, ang The IdeaFirst Company na pag-aari ng couple na sina Perci Intalan at Jun Lana ay pinasok na rin nila ang talent management.

Kasama sa mina-manage ngayon ng The IdeaFirst Compny ang actors na sina Christian Bables, Cedrick Juan, at Adriana So (dating Malak So). Ang mga bagong writer-directors naman na hawak ng kumpanya ay sina Sigrid Andrea Bernardo, Prime Cruz, Miko Livelo, Ivan Adrew Payawal, at Dominic Lim.

Samantala, inamin ng bagitong director na si Sigrid na siya man ay hindi makapaniwala sa tagumpay ng Kita Kita. Nakatanggap din umano siya ng bonus mula kay Piolo Pascual, isa sa may-ari ng Spring Films.

Last Wednesday ay inabutan namin sa Viva office sina Jun Lana, Perci Intalan, at si Sigrid having a meeting with Boss Vic del Rosario kaya tiyak na may bagong proyektong gagawin si Sigrid sa Viva Films in co-production with The IdeaFirst Company.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with