^

PSN Showbiz

Kris tameme pa rin sa Hollywood film

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Mukhang bumabalik na naman ang interes ng publiko kay Kris Aquino. Meron na namang isyu sa kanya tungkol sa hindi pagdalo ng anak niyang si Bimby sa first birthday ni MJ na anak ni James Yap sa Italyanang si Michela Cazzola. Mas minarapat ni Bimby na huwag dumalo sa party at dalawin na lamang ang kapatid sa ibang araw. Ipinaalam niya ito kay Michela, pero nalagyan pa rin ng kulay ang ‘di pagdating sa party ng bata na siyang ikinagalit ni Kris.

Mababalita rin sigurado ang magiging resulta ng pagkikita ng Queen of All Media at ng writer ng Crazy Rich Asians na si Kevin Kwan sa ginawang movie, pero hanggang ngayon ay hindi pa malaman kung ano talaga ang role ni Kris.

Sa lahat ng kasama sa cast ng film, si Kris lamang ang bukod tanging hindi pa alam ang role. Nasa bansa si Kwan para sa Manila book tour niya. Ang iba pang libro na isinulat ni Kwan ay ang China Rich Girlfriend at Rich People Problems. 

Sharon inayawan ni Ian?

Hindi na pala si Ian Veneracion ang makakapareha ni Sharon Cuneta sa kanyang Star Cinema comeback movie kung hindi si Robin Padilla? Wise decision kung totoo nga dahil marami ang nagsasabi na hindi sila bagay ng naging leading man nina Jodi Sta. Maria at Bea Alonzo.

Pero sa post ni Sharon sa kanyang Instagram account ng script para sa movie umano. Tinakpan ni Mega ang pangalan ng kanyang leading man dahil wala pa raw itong go signal. Nanghihingi naman siya ng panalangin na sana ay maging maganda ang resulta ng movie kung saan sa September na nila sisimulang i-shoot.

Mukhang younger leading lady rin naman ang kailangan ni Ian para matanggap ng manonood. Tama lang kung sila ni Robin ang pagsamahin dahil may chemistry sila.

Pero umubra pa kaya ‘yung ginawa nilang pagpapa-cute sa Maging Sino Ka Man?

Kailangan nila ng isang pelikula na may love angle, maraming kailangang gawin ang produksyon para ma-achieve ito.

Dingdong hindi binigo ang fans 

Hindi nabigo ang mga manonood sa TV na abangan sa pilot episode ng Alyas Robin Hood book 2. Talaga namang nakakabilib agad ang fight scenes at nakakakabang stunts. Marami ang nagsabing na-miss nila ang character ni Dingdong Dantes na si Pepe kaya trending ang show both nationwide at worldwide.

Marami rin ang nakapansin sa walang kupas na kaseksihan ni Venus (Andrea Torres). Literal na hulog siya ng langit sa kakaibang entrance nitong naka-parachute pa.

Nakakatuwa dahil pinatunayan ng cast at crew na nag-level up ang serye at naroon pa rin ang tamang timpla ng action, comedy, at romance.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with