^

PSN Showbiz

Ian tanggap na ang mga tukso sa paligid

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Isa si Ian Veneracion sa mga pinakasikat na leading man sa telebisyon at pelikula ngayon. Wala naman daw nagbago sa aktor kahit na sobrang namamayagpag ang career sa kasalukuyan.

“Wala namang nagbago. I live in the same house, I have the same wife, I have the same car, guitar, so wala. Siguro the only big difference is marami na ‘yung humihingi ng video greeting. And I am just enjoying the ride. Parang ayaw kong maapektuhan ng gano’n. Kasi sometimes naman may mga show ako na hindi rin gaanong napansin, merong napansin,” pagbabahagi ni Ian.

Kahit sikat na sikat ay hindi raw ito iniisip ng aktor at sa halip ay pinagbubuti na lamang ang trabaho at pinagtutuunan ng pansin ang ibang mga bagay. “My personal basis for success is well, ba­lanced diet, being healthy, mentally, spiritually and hindi masyadong nakadepende sa bank account or dami ng tumitili. Parang napaka-temporary lang noon eh, at saka sobrang mabilis mag-fluctuate. I’ve been in the business long enough to realize that,” giit ni Ian.

Samantala, kahit pamilyado na ay marami pa ring nagkakagusto sa aktor. Aminado rin si Ian na marami talagang tukso sa mundong kanyang ginagalawan. “Siyempre naman, madami talaga. Ang dami nating kasama na napakagaganda. So far okay naman ako. Of course it’s a never ending process. I’m still working on it. Kasi siyempre kasama ‘yan sa showbiz, nandiyan ang temptations at tao lang naman tayo. So far okay pa naman ako. I’m still in a good place,” natatawang pahayag ng aktor.

Kathniel target ang action film

Sobrang nae-enjoy nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang kanilang mga ginagawang fight scenes sa teleseryeng La Luna Sangre. Malaki ang pasasalamat ng KathNiel dahil marami silang natututunan mula sa kanilang fight director na nagmula pa sa Singapore.

“Oo, malaki ang pasasalamat namin sa pagtitiwala ‘di ba? Si Sir AC at si direk Lester na champion ng wushu para lalo pagandahin and sobrang appreciated namin ‘yon,” bungad ni Daniel.

“Dapat kasi arnis talaga ako noong una, pero gusto ko mag-try ng something na bago. Kasi sa arnis marami na magagaling na gumagawa niyan sa TV. So ako sa long stick, gusto ko ako una gumawa no’n,” dagdag pa ni Daniel.

Posibleng magtuluy-tuloy na ang paggawa ng KathNiel ng mga proyektong aksyon ang tema. Gusto raw ni Kathryn na makagawa ng isang action film kung mabibigyan ng pagkakataon. “We love to do more action po kung mabibigyan ng pagkakataon. Mahirap siya pero nai-enjoy namin ni DJ. Tapos kapag napanood mo, wala, iba sa pakiramdam,” nakangiting pahayag ni Kathryn.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with