^

PSN Showbiz

Career ng child actor nasira sa inang may saltik

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sangkatutak ang mga kuwentong pinagpipistahan tungkol sa ina ng isang child personality. Puro nega, puro hindi kagandahan, kaya ang naapektuhan ay ang kanyang anak.

Maraming oportunidad na humulagpos sa mga kamay ng batang lalaki, ang gaganda pa naman sana ng plano para sa kanya ng produksiyon, pero dahil sa pagiging reklamadora at maangas ng kanyang ina ay naudlot ang lahat.

Maraming kuwento tungkol sa mahaderang nanay ng bagets. Ayon sa ilang impormante ay maririnig na ang pagdadabog at pagtalak ng ina kapag malapit nang maghatinggabi.

Kuwento ng isang source, “’Yun kasi ang usapan. Hindi puwedeng lumampas nang alas-dose nang hatinggabi ang anak niya sa pagtatrabaho. Nangyayari naman ‘yun, aware naman ang production na kailangang matapos ang work ng bata bago mag-midnight.

“Pero ano ba naman ang ilang minutong extension? Makadadagdag at makababawas ba naman ‘yun sa buhay nilang mag-ina? Bakit kailangan pa niyang magdabog, bakit kailangan pang magparinig ni mommy sa mga staff?

“Markado na ang ugali ng mommy ng bagets, wala siyang pakisama, hindi siya marunong umintindi, kaya anyare sa career ng anak niya sa isang napakalakas na serye?” komento ng impormante.

Iba naman ‘yun sa kuwento ng mga dating nakakasama ng mag-ina. Nag-uumpisa pa lang nu’n ang bagets, wala pa silang bahay dito sa Maynila, kaya nakikitulog lang sila sa bahay ng mga batang nangangarap ding mag-artista at sumikat.

Pag-alala ng isang source, “Nakikipanuluyan lang sila nu’n dahil malayo ang probinsiya nila. Mahihirapan silang bumiyahe. Nakikitulog sila sa bahay ng isang baguhang child star din. Anytime, open ang bahay nila para sa mag-ina.

“Pero nu’ng gumanda na ang career ng bagets, e, ni hindi man lang makaalala ang mommy niya. Parang hindi na niya kilala ang pamilyang kumupkop sa kanilang mag-ina nu’ng wala pa silang nirerentahang bahay dito sa Manila.

“Kapag tine-text siya, hindi man lang sumasagot ang mommy ng bata. Parang balewala na lang lahat ang kagandahang-loob na ginawa para sa kanila ng pamilya. Talagang may ugali ang mommy ni ____(pangalan ng magaling pa namang child actor),” napapailing na kuwento ng isang source.

Ubos!

Jake super in love

Napakaligaya ngayon ni Jake Zyrus. Katwiran ng international performer ay napakaigsi lang ng buhay, walang mayhawak ng kinabukasan, kaya hanggang puwede kang maging maligaya ay bakit hindi mo pa gagawin?

Mula sa pagkawasak ng kanyang puso dahil sa paghihiwalay nila ni Alyssa Quijano na matagal din niyang nakarelasyon ay isang dalaga mula sa Davao City ang nagpapaligaya ngayon kay Jake Zyrus. Marami silang pinagkakasunduan ayon sa singer.

Maaalagaan ni Shyre Aquino ang kanyang kalusugan dahil nutritionist ito, magkasundo rin sila sa pagdyi-gym dahil fitness instructress si Shyre, lahat ng pag-aalagang kailangan ngayon ng dating si Charice Pempengco ay buong-pusong maibibigay ng dalaga.

Minahal siya ni Shyre sa kung sino at ano siya. Handang ipaglaban ng dalaga si Jake Zyrus saanman sila makarating. ‘Yun ang dahilan kung bakit sobrang ligaya ngayon ng transman.

Dahil kulay rosas ang paligid niya ngayon dahil sa bago niyang inspirasyon ay asahan na ang mas magandang performance ni Jake Zyrus sa mga darating na araw.

Komento ng kaibigan naming propesor, “Sana nga, e, wala nang dumaot sa relasyon nila. Pabayaan na lang sana si Jake na lumigaya. Huwag na sanang makisawsaw pa sa kuwento ang mommy at lola niya.

“Tama naman siya, life is too short, may mga natutulog nga namang hindi na nagigising, tomorrow is not promised, kaya pabayaan na nilang lumigaya si Jake,” positibong pahayag ni prop.

Ayos!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with