^

PSN Showbiz

James parang maiiwan nina Kris at Michela sa ere

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
James parang maiiwan nina Kris at Michela sa ere

James at Michela

Obvious na magkakampi na sina Kris Aquino at ang live-in partner ni James Yap sa kasalukuyan na si Michela Cazzola.

Ito ay base sa article ni Tito Ricky Lo kahapon na nagbanta itong susunugin ang copy ng Philippine Star dahil hindi nga nito nagustuhan ang isinulat ng entertainment editor ng PS sa hindi pagdalo ni Bimby sa party ng anak nila ng basketbolista na inirereklamo nga ni Kris.

So naiwan na ba sa ere si James?

Rachel

Probinsyano gustong ipa-suspend ng isang taga-MTRCB?

True kayang may isang member ang Movie and Television Revision Review and Classification Board (MTRCB) na gustong ipa-suspend ang ilang episode ng FPJ’s Ang Probinsyano?

Ayon sa source, may ilang eksena raw ang nasabing primetime series ni Coco Martin na more than 100 weeks na sa ere ang pinupuna ng nasabing member. Pero hindi raw ito nakalusot sa body at maging sa chair ng MTRCB na si Ms. Rachel Arenas.

Bela at JC

100 tula nanguna sa PPP

Ayon sa initial report na nakuha namin kahapon, ang pelikulang 100 Tula Para Kay Stella ang nangunguna sa 12 na pelikulang nagbukas sa mga sinehan na bahagi ng ginaganap na kauna-una-unahang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP).

Bida sa pelikula sina JC Santos and Bela Padilla and directed by Jason Paul Laxamana.

Pawang magaganda ang nagsusulputang review ng nasabing pelikula.

Hanggang August 22 tatagal ang mga kasaling pelikula sa PPP.

Guaranteed na walang matatanggal sa sinehan sa 12 movies sa loob ng tatlong araw.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with