^

PSN Showbiz

100 Tula mas maganda pa raw sa Kita Kita!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Ang dami sa nanood ng premiere­ sho­wing ng 100 Tula Para Kay Stella ang nagsabing maganda ito. Mas maganda raw ito kaysa sa Kita Kita. Kaya naiengganyo ako na panoorin ito sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na magsisimula na ngayong araw if only to prove na may isa na namang magandang movie na mapapanood.

Baka nga naman, pero huwag sana nating kalilimutan ang ma­gan­dang rekord na ginawa sa takilya ng pelikulang pinagsamahan nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez. Sana mag-klik sina Bela Padilla at JC Santos para magkaroon uli ng bagong tam­balan sa pelikula. Nakakasawa na rin ‘yung pagpapa-cute ng maraming loveteams ngayon. Sawa na ang manonood sa mga ginagawa ng tambalan ngayon. Iba naman.

Businessman na si Joel Cruz nakalikom ng milyon para itulong sa biktima ng giyera

Sana masundan pa ang matagumpay na Awit sa Marawi na pinamunuan ng tinaguriang King of Scent na si Joel Cruz. Umabot sa milyon ang kinita ng proyekto na makatutulong ng malaki sa mga pamilya ng mga namatay na sundalo.

Ilang ganitong palabas pa ang maaaring gawin ng ating mga artista at singer at malaki ang maitutulong sa rehabilitasyon ng mga nasalanta ng digmaan.

Salamat Joel sa pagkakaroon ng magandang puso, Malu Barry, Token Lizares, Jona, at marami pang iba.

Heart sinasagad muna ang sarili bago magpabuntis

Itotodo na ni Heart Evangelista ang lahat ng maibibigay sa kanyang bagong serye dahil sa unang buwan ng 2018  ay stop na siya from working. Gagawa muna sila ng panahon ni Sen. Chiz Escudero para magkaanak. Magpapa­hinga siya ng mga isang taon para mabilis siyang magbuntis.

Ang maganda sa kanya, willing siyang tapusin ang isyu sa kanila ni Marian Rivera. Nagsasawa na raw siya sa ginagawang pagsasabong sa kanilang dala­wa. Para patunayan na sincere siya, sinabi niyang makikipagtrabaho siya sa kapwa niya Kapuso artist.

Galing ‘di ba?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with