Coleen mag-a-adjust muna pagkakasal bago mag-anak
Naging usap-usapan ang pagsusuot ni Maja Salvador ng black wedding gown sa teleseryeng Wildflower noong isang linggo. Dahil dito ay marami tuloy ang nagtatanong kay Coleen Garcia kung balak niyang ipagaya ang trahe de boda ni Ivy Aguas (karakter ni Maja sa serye) sa kasal nila ni Billy Crawford.
Nakatakdang magpakasal ang magkasintahan sa susunod na taon. Hanggang maaari ay gusto lamang daw ni Coleen na maging simpleng bride sa araw ng kasal nila ng aktor. “Hindi black ‘yung gown ko ha. Ako kasi, as much as possible, it’s not my event. It’s not my milestone. It’s mine and Billy’s so ayoko namang manapaw sa kulay. I want it to be our day, our special day. It’s a day that we’re sharing together,” nakangiting pahayag ni Coleen.
Samantala, pagkatapos ng pag-iisang dibdib ng aktres at Billy ay hindi pa raw kaagad sila mag-aanak. “Maybe it will take two years to really know each other as a married couple. Para we will know how to handle ourselves better as a team,” giit ng dalaga.
Sarah at Richard mas busy muna sa career kesa kasal
Kamakailan ay nag-propose na ng kasal si Richard Gutierrez sa kasintahang si Sarah Lahbati. May bulung-bulungan na posibleng buntis daw muli ngayon ang aktres.
“What? Totoo ba? Well, you’ll never know,” natatawang bungad ni Sarah.
“I’m full of surprises and I don’t really believe in a timeline, na parang kailangan ganito, ganyan. I had a baby before getting married but I knew in my mind na kami ni Chard ang mag-end up together,” pahayag ng aktres.
Ngayon ay mahigit apat na taong gulang na ang panganay na anak nina Sarah at Richard na si Zion kaya maaari na talagang sundan ang bata. “Who knows if I have a baby before marriage or marriage then baby after. It doesn’t matter to me as long as we’re stable, happy and our family is growing din. That’s it,” makahulugang pahayag ni Sarah.
Samantala, hindi pa raw pinaghahandaan ng magkasintahan ang kanilang planong pagpapakasal dahil abala pa sina Richard at Sarah sa kanya-kanyang mga proyekto. “We’re not really in a rush. Chard is busy with La Luna Sangre. Gusto ko pareho kami magplano and pareho kami hindi busy. Or wala masyado maraming pinag-iisipan. So probably I don’t know by the end of next year or in two years? Who knows?” pagtatapos ni Sarah.
- Latest