^

PSN Showbiz

Kris may emote sa birthay ng anak ni James?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Magkasama kami kahapon ni Papa Ricky Lo sa launch ng mga bagong talent ng The IdeaFirst Company nina Jun Lana at Perci Intalan pero magkaiba ang table namin kaya hindi kami masyadong nagkakuwentuhan.

Nang makauwi ako ng bahay, saka ko nalaman na may isyu pala sila ni Kris Aquino na mahaba ang emote tungkol sa article ni Papa Ricky na lumabas kahapon sa Philippine Star. Ito ‘yung tungkol sa hindi pagdalo ni Bimby sa 1st birthday party noong Sabado ng kanyang half-brother na si MJ.

Sa true lang, wala akong naramdaman o nakita na malisya nang mabasa ko ang isinulat ni Papa Ricky dahil may explanation naman si James Yap tungkol sa hindi pagdating ni Bimby.

Saka, invited guest si Papa Ricky sa party ng bagets kaya first hand account ang report niya.

Kung hindi nag-react si Kris, hindi magkakaroon ng isyu dahil harmless sa pananaw ko ang isinulat ni Papa Ricky.

?Ideafirst maraming pasisikatin

Ipinakilala kahapon nina Papa Jun at Papa Perci ang mga bagong talent ng The IdeaFirst Company, limang mga bagets na direktor at tatlong artista, sina Christian Bables, si Adriana So na dating Malak ang first name at si Cedrick Juan na gumanap na transgender woman at isa sa mga friend ni Paolo Ballesteros sa Die Beautiful.

“Artists are now the new stars of Philippine showbiz,” ang sabi ni Papa Perci tungkol sa desisyon nila ni Papa Jun na mag-manage ng mga talent.

“Handang bumili ng ticket ang mga tao kapag nakita nila na ang isang pelikula ay may magandang kuwento na gawa ng magagaling na story tellers at may magagaling na artista sa cast.

“This is the new winning formula: good story plus good cast kaya nang binuo namin ang IdeaFirst Company, the vision was to put artistry at the core of our business.”

Sina Miko Livelo, Ivan Andrew Payawal, Dominic Lim, Prime Cruz, at Sigrid Andrea Bernardo ang mga new breed of directors na alaga ng kompanya nina Papa Perci at Papa Jun.

Kita Kita director wanted sa lahat

Toast of the town ngayon si Sigrid Andrea Bernardo dahil gumawa ng kasaysayan sa box-office ang kanyang pelikula, ang Kita Kita na tinampukan nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez.

Hindi makapaniwala si Sigrid na aabot sa P300 million ang box-office gross ng Kita Kita na showing pa rin sa mga sinehan.

Kung si Sigrid ang tatanungin, mas gusto niya na kumita sa takilya ang kanyang mga pelikula dahil praktikal at realistic lamang siya. Kung ako man ang tatanungin, mas pipiliin ko ang box-office success ng pelikula kesa mga parangal ng sangkatutak na award-giving bodies sa Pilipinas.

Christian mahirap takasan si Barbs

Sinabi ko kay Christian Bables na pinanood ko ang guesting niya sa Maalaala Mo Kaya noong Sabado pero hindi siya cute sa paningin ko.

Mas nagmarka kasi sa akin si Barbs, ang transgender woman at funny character ni Christian sa Die Beautiful.

Sa sobrang husay ni Christian sa Die Beautiful, parang mahihirapan siya na matakasan ang karakter ni Barbs, lalo na kapag ipinalabas na ang Born Beautiful, ang spin-off ng pelikula ni Paolo.

Ipakikita sa Born Beautiful ang nangyari sa buhay ni Barbs pagkatapos matsugi si Trisha, ang iconic role ni Paolo na minahal ng moviegoers.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with