^

PSN Showbiz

Jake in love sa Davaoena na nutritionist!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Jake in love sa Davaoena na nutritionist!

Shyre at Jake

May bagong pag-ibig na pala si Jake Zyrus. Shyre Aquino ang name ni girl at siya mismo ang proud sa kanilang relasyon base sa kanyang Instagram post noong isang araw.

Kung sa IG account ni Jake ay wala silang photos together, sa social media account ni Ms. Aquino, may ebidensiya ang closeness nila.

Ayon sa kanyang info, si Ms. Aquino ay Registered Nutritionist, D­ietitian, Personal Trainer/Fitness Instructor, LesMills Instructor and proud Davaoeño.

Sa isang picture nila, ang caption ni Ms. Aquino, “I love you for who you are.”

Months ago lang nang magkahiwalay sina Jake at live-in partner niyang si Alyssa Quijano.

Signal

Award-Winning Korean Crime thriller nasa sa Iwant Tv

 Sundan ang makapigil hiningang kuwento ng isang detective mula sa nakaraan at isang cold case profiler mula sa kasalukuyan na mag-uusap at magtutulungan gamit ang isang misteryosong walkie-talkie para lutasin ang iba’t ibang kaso ng pagpatay sa award-winning at top rating Korean police drama ng 2016, ang Signal, na mapapanood online via iWant TV.

Nakakuha na ng tatlong parangal ang Signal, na isinulat ni Kim Eun-Hee, sa 52nd Baeksang Arts Awards kabilang ang Best Drama at Best Screenplay. Nanalo rin ito ng tvN10 awards tulad ng Grand Excellence Award for Acting para kay Cho Jin-woong, Actress’s Award para kay Kim Hye-Soo, at Content Award for Drama.

Tampok sa Signal ang kuwento ni Harry Park (Lee Je-hoon), isang profiler na ginawang miyembro ng bagong buong grupo sa pulisya na mag-iimbestiga sa mga hindi pa nareresolbang mga kaso. Madidiskubre niya ang isang walkie-talkie kung saan makakausap niya si Jomar Lee (Cho Jin-Woong), isang detective sa nakaraan. Tutulungan nila ang isa’t isa para pigilang mangyari ang mga pagpatay sa nakaraan at mahuli ang kriminal na may kagagawan sa kasalukuyan. Sasama rin sa kanilang misyon ang detective na si Cyril Cha (Kim Hye-Soo), isang babaeng bahagi ng buhay ni Jomar.

Paano nga ba nila lulutasin ang mga kasong nangyari maraming taon na ang nakalipas? Ano ang magiging kapalit ng pagbago nila ng nakaraan?

Tinutukan ito ng Korean viewers dahil nga tampok dito ang mga kasong hango sa totoong mga kaso na nangyari sa South Korea tulad na lang ng Hwaseong serial murders.

Mapapanood ekslusibo ang Tagalized version ng naturang police drama series sa iWant TV kasama ang iba pang Korean dramas tulad ng Doctor Stranger, Sensory Couple, at Emergency Couple. Bisitahin lang ang www.iwantv.com.ph at pumunta sa Kapamilya Asianovelas section.

Huwag palampasin bawat linggo sa iWant TV. Mapapanood din ito sa digital television gamit ang inyong ABS-CBN TVplus sa Cine Mo (Ch 3) tuwing Linggo, 1PM.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with