PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

John Arcilla hindi malimutan ang utang na loob kay Heneral Luna

Sa recent presscon ng award-winning movie na Birdshot ng TBA Studios (Tuko Film Productions, Buchi Boy Entertainment, at Artikulo Uno Productions) na idinirek ni Mikhail Red at tinatampukan nina Mary Joy Apostol, Arnold Reyes, Ku Aquino, at John Arcilla, hindi ikinakaila ng huli na napakalaking tulong sa kanya ang tagumpay ng pelikulang Heneral Luna na idinirek ni Jerrold Tarog under TBA Studios dahil bukod sa hindi siya nawawalan ng magagandang proyekto both sa TV at pelikula, tumaas din umano ang kanyang talent fee.

Bukod sa pelikulang Birdshot, si John ay pasok na rin sa long-running and top-rating action-drama series na Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin. Bago ang Ang Probinsyano ng ABS-CBN ay kabilang si John sa nagtapos na Encantadia fantasy series ng GMA.

Samantala, marami ang hindi nakakaalam na si John ay isa ring mahusay na mang-aawit na pansamantalang nasa back-seat dahil mas in demand siya bilang actor.

Arthur gustong bumuo ng basketball team kay Rochelle

Gusto ng newlywed couple na sina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap na magkaroon ng baby kaagad dahil naiinggit ang mag-asawa sa baby ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Zia.

Sina Dingdong at Arthur ay magpinsan.

Kung si Arthur lamang ang masusunod, gusto niyang magkaroon sila ng limang anak pero dalawa lamang ang gusto ni Rochelle.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Dawn at Vic movie Meant to Beh ang final title

Meant to Beh na ang final title ng balik-tambalan nina Vic Sotto at Dawn Zulueta sa pelikulang nakatakdang idirek ni Chris Martinez under OctoArts Films, M-Zet Productions, at APT Entertainment at isa sa mga kalahok sa 2017 Metro Manila Film Festival (MMFF) sa darating na December 25.

Sina Vic at Dawn ay unang nagtambal sa da­ting weekly fantasy-sitcom na Okay Ka, Fairy Ko in 1997 at first team-up naman nila sa pelikula ang Meant to Beh.

“It was fun working with Vic in Okay Ka, Fairy Ko and I’m so excited sa bago naming reunion project,” pag-amin ni Dawn na pahinga muna sa team-up nila ni Richard Gomez dahil sa pagiging abala nito sa pagiging alkalde ng Ormoc City in Leyte.

Since walang bagong TV series na pinagka­kaabalahan ngayon si Dawn, mas may time siya ngayon sa shooting ng MMFF movie na Meant To Beh.

Mag-asawang Anthony at Rossel katuwang si Martin na tumulong

Ang mag-asawang Anthony Taberna at Rossel Velasco-Ta­berna under their own Outbox Media Production and Ka Tunyings Café ang producer ng Big Mouth, Big Heart, Big Night benefit show  ng Concert King na si Martin Nievera na gaganapin sa August 19 (Satur­day) sa Metrotent Convention Center in Pasig with KZ Tandingan at Kakai Bautista as special guests. May special guest appearance rin ang panganay na anak ng mag-asawang Tunying at Rossel na si Zoey sa pamamagitan ng duet with the Concert King.

Ang proceeds ng nasabing benefit concert ay mapupunta sa mga Katutubong Dumagat ng Sitio Apia, Barangay Calawis ng Antipolo City.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: