PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Toni pinakikiramdaman pa sina Direk Paul at Erich

Nauugnay ngayon si Erich Gonza­les sa asawa ni Toni Gonzaga na si Paul Soriano. Ginagawa kasi ni direk Paul ang pelikulang Siargao na pinagbibidahan ng aktres. 

Ilang araw na namalagi sa Siargao ang buong team ng pelikula upang kunan ang mga eksena roon. Kaya naman nagkaroon ng bulung-bulungan na mayroon na diumanong espesyal na ugnayan sina Erich at direk Paul. 

Nagbigay ng reaksyon si Toni tungkol sa nasabing isyu.“Sinabi rin sa akin ‘yan no’ng May ni Paul. Sabi niya, ‘I think people are gonna make an issue about me and Erich just like how they did to me with ‘Thelma’ and Maja (Salvador) before.’ I guess it’s inevitable because Erich already talked to me and she said that some people are bashing her, messaging her,” pahayag ni Toni. 

Hanggang maaari ay ayaw na raw pansinin ng aktres ang intrigang ibinabato tungkol sa kina direk Paul at Erich. “Siyempre hindi tayo magsasalita, ayaw natin magsalita nang tapos. We always lift it up to God, na sana huwag kaming dumaan sa gano’ng pagsubok or trial, or kahit ano man na challenge sa married life. Naniniwala kasi ako sa intuition, kasi sabi ng mommy ko, kahit walang issue, kahit walang tsismis, may woman’s intuition. Kahit walang isyung lumabas, ‘pag may naramdaman kang intuition most likely 80% is true. So pinakiramdaman ko, so far wala naman. Baka next month tignan ko anong mapi-feel ko. Ngayon wala naman, wala naman,” paliwanag ni Toni.

 Antoinette balik-Star Magic na

Binabalak ni Antoinette Taus na bumalik sa pangangalaga ng Star Magic. 

Matatandaang sa Star Magic din nagsimula ang dating child star na napanood noon sa Ang TV, Oki Doki Doc, Sa Linggo nAPO Sila at iba pang mga programa ng ABS-CBN. “It was just another encounter between me and Mr. M (Johnny Manahan). A big part of my career and a big part of how I came to be, who I am today is well, because of ABS-CBN and because of Mr. M,” nakangiting bungad ni Antoinette. 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ipinagpatuloy daw ng dalaga ang pag-aaral sa Amerika kaya pansamantala niyang iniwan ang pag-aartista noon. “Requirement din kasi doon na kapag nagtatrabaho ka, you keep that parang mga workshops. You keep yourself in check pa rin para hindi ka maging rusty. Kasi even acting, even the arts, no matter what, it’s also something na pwede kang mag-fall off track. I feel like no’ng nasa L.A. (Los Angeles) ako, marami akong natutunan in terms of acting, being an artist, being an actress. It’s really different from the experiences that I had when I was here. So I’m looking forward na sana magkaroon ako ng projects na mas serious ‘yung angle especially with acting, not necessarily about love or light stories. I would actually really would want to delve into more serious acting jobs,” pagbabahagi ni Antoinette.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: