PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Natuto na, aktres hindi na ipinangangalandakan ang bagong dyowa!

Natuto na sa pakikipagrelasyon ang isang kilalang female personality. Kung dati’y umaamin siya sa publiko sa pagkakaroon ng boyfriend, ngayon ay maingat na siya, tagung-tago na ang pakikipagrelasyon niya.

Nagkaroon na ng leksiyon ng nakaraan ang pamosong singer-actress, nagtitira na siya nang konti para sa kanyang sarili ngayon, ilang kaibigan lang ang nakakaalam na meron siyang boyfriend.

Kuwento ng aming source, “Kasi naman, palaging bokya ang pakikipagrelasyon niya, hindi sila nagtatagal, nagkakahiwalay rin sila agad. Kung lahat nga naman, e, aaminin niya, e, baka magbilang na ang publiko, nakakarami na pala siya!

“So, ngayon, mga true friends lang niya ang nakakaalam tungkol sa boyfriend niya, iilan lang sila, hindi na for public consumption ang relationship niya, tagung-tago na.

“Ito naman kasing lola n’yo, napakahilig niyang makipagrelasyon sa mas batambata kesa sa kanya. Ewan kung bakit. Baka nagsawa na siya sa mga ka-age niya, wala na sigurong thrill ‘yun para sa kanya.

“Ang ex kasi niya, e, mas matanda kesa sa kanya, ‘di ba? Akala nga ng marami, e, forever na ang pagsasama nila, pero wala ngang forever. Ang daming umiyak nu’ng magkahiwalay sila.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“Marami kasi silang fans, mula nu’ng batambata pa ang loveteam nila, e, nand’yan na ang mga supporters nila, pero sa wala rin nauwi ang pagsasama nila,” umpisang kuwento ng aming impormante.

Pinasisinungalingan din ng aming source ang kuwento na palagi lang daw kasing dinadatungan ang female personality ng mga nakakarelasyon niya. Kapag nakuha na raw ng lalaki ang lahat ay iniiwan na siya.

“Naku, walang-walang katotohanan ‘yun! We know better. Kilalang-kilala namin ang kakuringan ng girl! Kahit singkong duling, e, walang mapapala sa kanya ang guy! Totoo ‘yan! Waley talaga!

“Super-kuring ang lola n’yo, ganda lang ang puhunan niya, saka ang name niya. Puwedeng nagreregalo rin siya sa guy, pero mark my word, mumurahin lang ang gift niya. Ganu’n siya kakuring!

“Pareho lang sila ng ex niya na kuripot! ‘Di ba, tuwing magki-Christmas, e, umaalis sila ng bansa para hindi sila makapagregalo sa mga friends nila, inaanak at mga press people!” humahalakhak na kuwento pa ng aming source.

Ubos!

Nadine nakalimutan na ang sarili sa sobrang in love kay James?!

Hindi talaga umaayon ang panahon ngayon kay Nadine Lustre. Pagkatapos siyang pag-initan sa social media dahil sa kanyang katwiran na hindi krimen ang pakikipag-live-in ay heto na naman ang isa pang kontrobersiyang ewan kung paano niya malulusutan.

Isang lasing na lasing na Nadine naman ang pinagpipistahan ngayon sa social media, ipinakikita siyang nakikipag-inuman, nang malasing na siya ay sigaw siya nang sigaw ng “I love yooooooooo!!!!”

Tanong ng netizens ay ano na ba ang nangyayari kay Nadine at parang nagiging masokista na siya? Parang siya pa ang nang-iimbita para siya pagpistahan, para siya masaktan, ine-enjoy raw kaya ng dalaga ang mga pamba-bash na natitikman niya ngayon?

Ang iba naman ay may opinyon na ang lahat ng mga ginagawa ni Nadine ay hindi niya naman talaga gusto, ‘yun daw ang gusto ni James Reid na gawin niya, para walang problema sa kanilang relasyon. At dahil sa sobrang pagmamahal niya sa binatang aktor ay sunud-sunuran na lang siya.

Ang nagmamahal daw ay nagiging bulag sa katotohanan. Para lang mapaligaya ang kanyang mahal ay gagawin niya ang lahat, ipupusta niya kahit ang kanyang career, huwag lang silang magkahiwalay ng kanyang karelasyon.

Kung nasa ganu’ng sitwasyon si Nadine, sana ay maaga siyang magising sa katotohanan na may sarili siyang buhay, hindi siya nakatitiyak na magiging panghabambuhay na ang relasyon nila ni James Reid.

Walang masama sa pagmamahal na ibinibigay niya kay James, pero sana’y mag-iwan siya para sa kanyang sarili, para kapag dumating ang ayaw niyang mangyaring paghihiwalay nila ng kanyang boyfriend ay meron pa siyang naitatabi.

May maiiwanan pang puhunan para sa kanya, hindi siya nasaid nang husto, bantayan dapat ni Nadine ang kanyang kinabukasan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: