PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Tony Calvento tuloy ang demanda kay Vice?!

Nag-promise si Vice Ganda kay Papa Tony Calvento na hihingi siya ng public apology kapag bumalik na siya sa It’s Showtine sa linggong ito.

Willing si Vice na mag-sorry dahil na-offend niya si Papa Tony sa kanyang advise sa isang male contestant ngTawag ng Tanghalan noong Biyernes.

Matagal ko nang kilala si Papa Tony kaya alam na alam ko ang ugali niya. Masarap siya na friend at kakampi pero nakakatakot na kalaban, lalo na kung siya ang nasa katwiran.

Kung nagbanta si Papa Tony na magdedemanda, tiyak na gagawin niya, maliban na lang kung magbigay ng public apology si Vice Ganda.

Nainsulto si Papa Tony sa advise ni Vice sa contestant na“Never be ashamed of your face. ‘Yang mukha mo, ikaw ‘yan at maraming pagdadalhan ‘yang mukha na ‘yan.

“That is a gift. Your face, kahit gaano kalaki ‘yan, kahit kamukha mo si Tony Calvento, mukha mo ‘yan. Kaya dapat proud ka. ‘Wag mong ikakahiya yang mukha mo, kase nag iisa lang yan.”

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Naiintindihan ng madlang-bayan ang sentimyento at ang pinanggagalingan ni Papa Tony sa emote nito dahil nagpatawa si Vice, at his expense.

Hindi tuloy napigilan ni Papa Tony ang mag-emote at mag-demand ng public apology or else, magsa­sampa siya ng civil at criminal case laban kay Vice at sa It’s Showtime.

In all fairness, madaling kausap si Papa Tony na may malambot na puso kahit napakatapang na tao. I’m sure, hindi aabot sa korte ang isyu dahil handa nga si Vice na humingi ng paumanhin.

Kilala naman ni Vice si Papa Tony dahil ito ang numero uno na tumulong at tumutulong, hanggang ngayon, kay Vhong Navarro na naging biktima ng pang-aabuso at pambubugbog noong January 2014.

Pagbabalik ni Robin Hood natutuon kay Andrea

Umapir kahapon si Dingdong Dantes sa Sunday PinaSaya dahil nag-promote siya ng Ang Pagbabalik ni Alyas Robin Hood, ang primetime teleserye niya na mapapanood simula ngayong gabi sa Kapuso Network.

Proud si Dingdong sa sequel ng Alyas Robin Hod dahil very relevant at very timely ang kuwento nito as in nangyayari sa tunay na buhay ang mga eksena.

Magagaling din ang mga co-star ni Dingdong sa Alyas Robin Hood, sina Edu Manzano, Jaclyn Jose, Gary Estrada, Jay Manalo etc.

Maraming puwedeng isulat tungkol sa kagandahan ng Alyas Robin Hood. Hindi ‘yung puro tungkol sa muling pagtatambal nina Dingdong at Andrea Torres ang anggulo.

Dugo ni James natabunan ng mga babae

Carbon copy ni Michela Cazzola ang anak nila ni James Yap na nag-celebrate ng 1st birthday noong Sabado sa isang events place, somewhere in Libis, Quezon City. Obvious na mas malakas ang Italian blood ni Michela kaya siya ang kamukhang-kamukha ng bagets.

Future basketball player si Michael James dahil matatangkad na tao ang mga magulang niya kaya siguradong pang-higante rin ang height niya, kapag nagbinata siya.

Puwedeng sundan ni MJ ang career ni James bilang basketball player, pagdating ng araw. Ewan ko lang kung sino sa kanila ng kanyang half-brother na si Bimby ang magmamana sa hilig ni James sa basketball.

Malalakas talaga ang mga dugo ng mga babae na nakakarelasyon ni James. Kita n’yo naman, Kris Aquino ang hitsura ni Bimby. Kung makikita ninyo ang mga bagets photo ni Kris,magkahawig na magkahawig sila ni Bimby.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: