PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Arci nag-ala Gretchen ang ginawa sa ilong

Arci Muñoz

May payo si Nay Lolit Solis sa mga nagpapagalaw ng mukha. Huwag munang magpapakita sa fans hangga’t hindi pa naghihilom ang kanilang mga ipinaretoke.

Kahapon sa kanyang Instagram ay nag-comment siya sa naging kapalaran ni Arci Muñoz na ngayon ay gutay-gutay sa rami ng mga pumupuna dahil nga raw bagong gawa ang mukha niya particular na ang ilong.

“Sobra ang atake na tinatanggap ngayon ni Arci Munoz dahil daw sa pagpapa-retoke ng mukha. Grabe naman bakit nga ba hindi tayo makuntento sa ibinigay sa atin ng Diyos? At siguro naman naging Arci Munoz siya sa dati niyang anyo bakit gagalawin pa? Kasi naman sinasabi na nga ng cosmetic doctors na may downtime iyang mga ganyan bakit hindi hintayin mag-subside at maging maayos muna bago lumabas at magpakita sa publiko para hindi mahalata ‘di ba? Kahit si Gretchen Barretto nang magpa-Angelina Jolie ng lips lumabas din agad-agad kaya na-shock din mga tao. Hintayin kasi ang resulta bago mag-personal appearance para ‘di mahalata. Hay naku wala naman pumipigil kung ano ang gusto natin gawin, tayo naman ang gumasta pero iyon nga, mas maganda sana kung hindi halata para feel na feel mo ang pagiging maganda, kesa naman hayan buong bayan ang nakaalam na thank you doctor ka. Hayyy next time secret na ha,” say ni Nay Lolit.

Maraming nag-agree sa kanya pero meron din naman kontra at sinasabing karamihan naman sa artista sa naggalaw pero bakit hindi naman ganun ang naging puna.

Oh well, tama naman ang beteranang talent ma­nager at kolumnista, hintayin munang gumaling bago rumaket uli.

Birdshot

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Birdshot isa sa pinakamaganda sa PPP

Sa Miyerkules na magsisimulang mapanood ang mga pelikulang kasali sa kauna-unahang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP).

At isa sana sa kumita at talagang pilahan ay ang pelikulang Birdshot na pinagbibidahan nina John Arcilla, Arnold Reyes, Mary Joy Apostol, and Ku Aquino from TBA Films.

Nanalo na itong Best Picture sa Tokyo Film Festival at iba pang film festival sa abroad.

Kuwento ito ng isang young farm girl na napagkamalang ordinaryong ibon ang isang Haribon o endangered species – ang Philippine Eagle. Pero bukod sa pagkakapatay sa Haribon, may mas malaking pangyayari ang madidiskubre.

Bukod sa interesting ang kuwento, ang ganda ng ci­nematography/photography ng pelikula. Sobrang ganda. Kahit ang direction nakakabilib. Pinakabata sa lahat ng mga kasaling pelikula ng PPP ang nag-direk ng Birdshot, si Mikhail Red.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: