PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Aktres na mabenta sa mga mayayaman nakaipon ng santambak na diamonds

Kung pinagdaanan ang pag-uusapan ay walang binatbat ang kahit sinong babaeng personalidad d’yan sa mga naging karanasan ng isang pamosong female personality sa pakikipagrelasyon.

Totoo o raket lang, kung pasasakayin sa isang bus ang mga lalaking nagkaroon ng kaugnayan sa buhay ng sexy personality ay kulang na kulang ang mga upuan, may bibiyahe nang nakatayo lang dahil sa kakapusan ng sasakyan.

“Matindi ang babaeng ‘yun! Fastest gun alive nga ang tawag sa kanya ng mga nakakakilala sa kanya. Milagrosa siya, ibang klase siya, kaya niyang pagsabay-sabayin ang mga lalaki sa buhay niya.

“Meron siyang totoong karelasyon, pero meron din siyang mga sideline. Matindi siyang kumita, ilang halinghing lang, datung na! Kaya sunud-sunod ang booking niya, gustung-gusto siya ng mga Boogie Wonderland, napakabenta niyang produkto nu’ng kapanahunan niya.

“Kita n’yo naman kung paano nabago ang kabuhayan showcase niya, ‘di ba? Ang lahat ng mga stuff na pinakamahal, meron siya! Order lang siya nang order sa supplier niya, ang nagbabayad nu’n, e, matataas na tao sa lipunan!

“Iba-ibang ranggo, iba-ibang pangalan at apelyido, iba-ibang bangko! Walang-wala sa kanya ang mga ipinagmamalaking bag at shoes ng iba d’yan na milyones ang halaga, chicken na chicken lang ‘yun kay ____(pangalan ng sexy personality)!

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“Hitsura sa kanya ng walking jewelry box, ‘di ba? Ang mga diamonds niya, e, nagmumura, kaya ang laki-laki ng kinita sa kanya ng mga alahera d’yan. Pero hindi siya ang nagbabayad, naka-assign kung sino ang mag-iisyu ng check sa mga pabolosa niyang alahas.

“Nu’ng minsan nga, e, nagkasalubong pa sa elevator ng tinitirahan niyang condo ang dalawang pulitikong kachurvahan niya. Isang pababa na at isang paakyat pa lang sa unit niya!

“Nakakaloka ang babaeng ‘yun kung gumawa ng raket, napakalakas ng loob niya, magaling siyang schedule master!” tawa pa nang tawang kuwento ng aming source.

Pero iba na ang takbo ng buhay niya ngayon. Ibang-iba na. Nakasentro na lang ang atensiyon at pagmamahal niya sa isang lalaki lang.

“Matino na siya ngayon. Miss na miss na nga siya ng mga Boogie Wonderland, pero mukhang nagbagong-buhay na talaga siya. Todo na ang pagbabago niya ngayon, promise!” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Kris hindi na naAalala ng mga itinuring na kaibigan

Kung kailan naman inaalat ang career ni Kris Aquino ay sumabay pa ang kanyang kalungkutan dahil ramdam na ramdam ng kanyang pamilya na ang mga dating palaging nakakasama nila ay parang naglayuan na.

Nang bumaba na sa posisyon ang kanyang kuya ay nagsimula nang maramdaman ng magkakapatid ang katotohanan ng buhay na may mga dati silang kaalyado na kakampi lang pala nila habang may pinakikinabangan lang.

Nang magpaalam na sa panguluhan ang kanyang kapatid ay isa-isa na ring nangawala ang mga pulitikong halos araw-araw na nakababad sa tabi ng kanyang kuya. Parang mga langaw na nakatanghod sa kanila ang mga taong ‘yun.

Pero ganu’n talaga ang mga tinatawag na political butterfly, kung nasaan ang oportunidad para sila makinabang ay du’n sila nakapaikot, wala na kasi silang mapapala ngayon kay P-Noy.

Nawala na ang tamis, alat na ang pumalit, ‘yun ang gustung-gusto ng mga langgam. Kung nasaan ang asukal ay nandu’n sila, kung sino ang may hawak ng kapangyarihan ay du’n sila kumakapit, hindi naman lahat pero ‘yun ang kanaturalan sa mundo ng pulitika.

Ngayon ay alam na ni Kris na tulad ng kanyang career ay wala ring forever sa mundong kinabibilangan ng kanyang pamilya. Pana-panahon lang, weather-weather lang, kung sino ang nakaupo ang pinakamabango at kinakaibigan.

Dapat ay nu’n pa nakahanda ang kalooban ni Kris Aquino sa ganyang senaryo. Lumaki siya sa mundo ng pulitika, mula nang matuto siyang magsalita ay ‘yun na ang balwarteng ginagalawan niya, hindi na bago ang mga ganyang kuwento.

May mga natitira pa rin naman silang maituturing na tunay na kaibigan pero hindi na sila mapapagod sa pagbibilang kung ilan. Reality bites, sabi nga, napakasakit mangagat ng katotohanan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: