PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Kawalan ng drama ni Luis type ng nanay ni Jessy

Jessy Mendiola at Joanne Mendiola

Masayang-masaya ngayon ang ina ni Jessy Mendiola na si Joanne Mendiola para sa bagong kasintahan ng anak na si Luis Manzano. Naikwento ni Mommy Joanne sa Magandang Buhay nitong Biyernes na talagang suportado ng kanilang buong pamilya ang relasyon nina Jessy at Luis.

“Mabait naman si Luis at walang dull moment sa kanya kasi kengkoy. ‘Yon ang gusto namin, ‘yung kengkoy, walang masyadong drama,” pagbabahagi ni Joanne.

Aminado sina Jessy at Luis na napag-uusapan na rin ang tungkol sa kanilang planong pagpapakasal. Para sa ina ni Jessy ay kailangang pag-isipang mabuti ang pag-iisang dibdib lalo pa’t panghabambuhay na ito.

“Siyempre ang pagpapakasal kasi pinag-iisipan ‘yan, pinaplano ‘yan. So ‘yung character n’yo, kailangan marunong siyang (Jessy) mag-adjust, marunong din siyang (Luis) mag-adjust. Kailangan mong alamin kung ito bang taong ito ay really para sa iyo, at ito bang taong ito ay makakatulong sa pagkatao mo as a married woman, mother of your kids. Importante ‘yan sa ating mga babae, it’s a total commitment,” mensahe ni Mommy Joanne kay Jessy.

Ian biro pa lang ang tingin sa pelikula nila ni Sharon

Nagbigay ng reaksyon si Ian Veneracion tungkol sa napapabalitang pagtatambal diumano nila ni Sharon Cuneta sa isang pelikula. Nagkasama ang dalawa sa series of shows ng Megastar sa Amerika kamakailan. Kinilig daw kasi ang mga nakapanood kina Sharon at Ian sa U.S. kaya naisipan ng aktres na tawagan kaagad si Malou Santos ng Star Cinema para sa posibilidad ng tambalan.

“Definitely I’m open with that, working with Sharon Cuneta on stage or in front of a camera is always a thing,” nakangiting bungad ni Ian.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“I’ll be honored to be part of that pero sa ngayon wala pa akong alam at idea kung may niluluto nga silang project na gano’n. Mapagbiro lang talaga ‘yon,” dagdag pa ng aktor.

Nabanggit din ng Megastar sa kanyang pahayag kamakailan na talagang napahanga siya sa pagiging propesyonal na aktor. Nakailang balik si Ian sa Amerika para sa shows dahil na rin sa taping ng aktor para sa teleseryeng A Love To Last.

“Nakakatuwa kasi she’s very appreciative. Kasi ‘yung schedule ko that time ng concert is sobrang hectic talaga. Isipin mo ‘yung going to Los Angeles and sing a few songs then uwi. Para sa akin kasi commitment ‘yun eh. Hindi ko naman akalain na magiging gano’n ka-tight ang schedule ko and ‘yun, sinabi naman niya na na-appreciate niya ‘yon nang todo, and ako naman I’m just happy. What a wonderful experience. First time ko na-experience ‘yung gano’ng kalaking concert. Tapos live ka kakanta, tapos ka-duet ko si Sharon, wow! I never ever imagined na I’ll be on the same stage sa gano’n,” kwento pa niya.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: