PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Julian inimbyerna muna si Ella bago sinorpresa!

Ella Cruz at Julian Trono

Birthday party sa Music Hall noong Biyernes ang regalo ng Viva Films kay Ella Cruz na magdiriwang ng kaarawan sa August 17.

Tuwang-tuwa si Ella sa maayos at maganda na pag-aalaga ng Viva sa showbiz career niya.

Contract star si Ella ng Viva at sho­wing sa mga sinehan sa September 6, ang Fangirl/Fanboy, ang launching movie nila ni Julian Trono.

Ang sabi ng mga bisita sa birthday party ni Ella, feel na feel nila na may something sa dalaga at kay Julian dahil sa mga kilos at dialogue nila.

Ramdam na ramdam daw nila na for real at hindi lamang for reel ang loveteam nina Julian at Ella.

May tampo si Ella kay Julian dahil hindi ito dapat makarara­ting sa birthday party niya noong Biyernes pero eklay lang dahil sinorpresa siya ng kanyang leading man sa Fangirl/Fanboy.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Hindi shocking kung magkagustuhan at magkaroon ng relasyon sina Julian at Ella dahil araw-araw sila na magkasama sa mga mall tour at promo guestings nila para sa Fangirl/Fanboy.

Kumpletong cast ng first ever Filipino-Korean serye makikilala na

Ipakikilala na ng GMA 7 sa entertainment press ang complete cast ng My Korean Jagiya na pinangungunahan nina Heart Evangelista, Edgar Allan Guzman, at ng Korean actor na si Alexander Lee.

Dahil Filipino-Korean love story ang My Korean Jagiya, idaraos ang presscon nito sa isang Korean restaurant. Hindi nagsosolo si Alexander Lee dahil may ibang Korean actors na kasali sa My Korean Jagiya na kinunan ang mga eksena sa South Korea.

Bossing nagpakita ng alindog

Bongga si Vic Sotto sa Eat Bulaga dahil hindi siya nagpatalbog sa skimpy shorts na suot ni Jose Manalo.

Naloka ang viewers ng Eat Bulaga at ang kanyang misis na si Pauleen Luna dahil umapir si Bossing sa TV na skimpy shorts din ang outfit.

Ginulat ni Bossing ang televiewers dahil hindi nila inakala na magiging game siya sa pagpapaseksi sa harap ng mga television camera.

Walang malisya at just for fun lang ang ginawa ni Bossing na hit na hit sa studio audience at sa televiewers ng Eat Bulaga.

Empoy pinagaganap sa pelikula ni Espenido

Star na talaga si Empoy Marquez dahil nababanggit na ang name niya sa mga current event bilang blockbuster ang pelikula nila ni Alessandra de Rossi.

Pinag-usapan sa radio program nina Arnold Clavio at Susan Enriquez ang tsismis na isasapelikula ang life story ni Chief Inspector Jovie Espenido na lalong naging popular dahil sa Parojinog case.

Ang sabi ni Mama Susan, type niya na i-suggest na si Empoy ang gumanap na Espenido na pinatulan ni Igan na nag-dialogue na bagay na pamagat ng pelikula ang Patay Kita.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: