^

PSN Showbiz

Julia natameme sa ebidensya!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Hindi masagot-sagot ni Julia Montes ang tanong ni Boy Abunda kung totoo ang mabilis na kumakalat na balita na nagkasama sila ng ina ni Coco Martin sa naging biyahe nila ng pamilya sa Hong Kong. Ang paulit-ulit niyang sinabi ay kasama niya ang kanyang mommy at lola, pero walang mention tungkol sa biye­nan niyang hilaw.

Pero lalo lamang niyang inilagay ang sarili sa gusot nang maghanap ng pruweba dahil isang nasa audience ang nagbigay sa King of Talk ng kanyang cell phone na marahil ay nagpapakita ng sinasabi niyang “picture” dahil hindi na nagpumilit ang TV host na kulitin pa siya.

Obviously, wala nang pruweba na kailangan para malaman na may “something” sila ni Coco na matagumpay nilang nailihim ng ganito katagal.

Yves naging matagumpay na teacher

Si Yves Flores naman ang magpapamalas ng kanyang galing sa pag-arte sa episode sa Sabado (July 29) ng Maalaala Mo Kaya. Gagampanan niya ang role ni Roy Basa na isinilang sa karukhaan, pero nakakita ng pag-asa na umunlad sa edukasyon.

Tinutulan ito nang labis ng kanyang mga magulang sa takot na matapon lamang ang kakaunti nilang kabuhayan sa pag-aaral ng anak. Sa paunti-unti at dahil sa kanyang pagsusumikap ay nagawa niyang makatapos ng pag-aaral.

Naging guro siya sa kanilang probinsya at sa kasalukuyan ay Regional Scien­ce Supervisor sa kanila ring lalawigan. Dalawang magkasunod na ulit na siyang tumatanggap ng award mula sa Metrobank Foundation dahil sa kanyang dedikasyon bilang guro.

Ginampanan nina Isabel Granada at Shirley Fuentes ang mga kamag-anak na kumupkop pero naging malupit sa kanya. Ang batang Roy ay ginampanan ni Marco Masa. Sina John Estrada at My­lene Dizon ang nabigyan ng roles bilang mga magulang niya.

Gil umamin na kay Jennylyn

Moment of truth na nga para sa lead stars ng My Love from The Star na sina Steffi (Jennylyn Mercado) at Matteo (Gil Cuerva) dahil umamin na ang binata sa dalaga. Pero hindi ito typical love confession dahil ang inamin ni Matteo ay ang tunay niyang pagkatao.

Wala raw bahid ng pagka-artista ang dalawang bida. Iba talaga mag-transform ng characters si Direk Joyce Bernal. Tipong ayaw na ng manonood na tumigil ang palabas dahil sa galing ng mga ito. Pero paano nga kaya matatanggap ni Steffi ang tunay na pagkatao ni Matteo? Mapanindigan kaya niya ang line niyang ‘tanggap ko kahit ano pa ang pagkatao mo?’

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with