^

PSN Showbiz

Paulo inaabangan kung matutulad kay Heneral Luna!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Mangyari kaya sa upcoming movie ng TBA Studios na Goyo: Ang Batang Heneral na pinagbibidahan ni Paulo Avelino ang tagumpay na nakuha ng Heneral Luna ni John Arcilla na idinirek ni Jerrold Tarog noong isang taon?

Si Jerrold din ang direktor ng historical epic movie na Goyo na tinatampukan din nina Aaron Villaflor, Carlo Aquino, Gwen Zamora, Empress Shuck, Rafa Siguion-Reyna, Mon Confiado, at Epy Quizon.

Samantala, nakakabilib ang pagiging aggressive and risk takers ng TBA Studios na binubuo ng tatlong independent film companies na Tuko Film Productions, Buchi Boy Entertainment, at Artikulo Uno Productions sa paggawa ng mga critically and award-winning independent films kumita man ito o hindi sa box office.

Sa grand launch ng TBA Studios na ginanap sa Marquee Tent ng EDSA Shangri-La Hotel last Wednesday evening, in-announce rin ang pagpasok sa partnership ng TBA Studios sa Globe Telecom at first team-up nila ang Goyo: Ang Batang Heneral.

Ilan sa sa mga actor na aming namataan sa launch ng mga bagong proyekto ng TBA Studios ay sina Cherie Gil, ang mag-asawang Nonie at Shamaine Buencamino, JC Santos, Rafa Siguion-Reyna at iba pa.

Heart kukunin ang slot ni Jennylyn

Ang tumatakbong local adaptation ng hit Koreanovela TV series na My Love from the Star on GMA na tinatampukan nina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva ang papalitan ng My Korean Jagiya na pinagtatambalan nina Heart Evangelista at Korean singer-actor na si Alexander Lee Eusebio sa direksiyon ni Mark Reyes.

Most of the scenes ng My Korean Jagiya ay kinunan sa South Korea kaya may Korean backdrop at setting ang bagong teleserye ng Kapuso Network.

Camille at John pinagbigyan ang wish

Baby girl ang nakatakdang isilang ng Kapuso actress-TV host na si Camille Prats sa kanyang second husband na si John Yambao.

Si Camille ay may 8-year-old son sa namayapa niyang unang mister na si Anthony Linsangan na si Nathan at may isa ring anak na lalaki si John sa dati nitong nakarelasyon, si Isaiah.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with