^

PSN Showbiz

Paulo parang amerikano na kung magsalita!, Sharon binanatan sa reklamo sa traffic

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

Seen: Inglisero at may American accent si Paulo Avelino sa congratulatory message niya sa unveiling ng mga upcoming movie projects ng TBA Studios na ginanap sa EDSA Shangri-La Hotel noong Miyerkules.

Scene: Si Paulo Avelino ang lead actor ng Goyo: Ang Batang Heneral ng TBA Studios. Hindi nakadalo si Paulo sa TBA Studios launch dahil lumipad siya sa Canada para sa ASAP show sa Toronto.

Seen: Binabatikos si Sharon Cuneta dahil sa EDSA traffic post niya at sa kanyang statement na milyon ang ibinabayad niya sa buwis. Ipinamukha kay Sharon ng bashers niya na hindi siya nag-iisa sa pagbabayad ng milyun-milyong piso sa buwis.

Scene: Ang matinding trapik noong Martes ang reklamo ni Sharon Cuneta. Dapat maintindihan ni Sharon na nagkaroon ng sobrang trapik noong Martes dahil sa mga sasakyan na nagkarambola sa C5 Libis at nakaapekto ito sa daloy ng trapiko sa buong Metro Manila.

Seen: Certified blockbuster ang Kita Kita, ang pelikula nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez. Makatulong sana ang Kita Kita upang maging masigla uli ang matamlay na acting career ni Alessandra.

Scene: Ang plano na bigyan si Kylie Padilla ng show sa November. Hinihintay lamang ng GMA 7 na makapagsilang ng sanggol si Kylie.

Seen: Bilib si Paolo Bediones sa hosting skill ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach. Si Paolo ang teacher ni Pia sa hosting workshop na isa sa mga sideline ng TV host at bagong contract star ng Viva Artists Agency.

Scene: Mga baguhan pero mahuhusay na aktres ang mga bida sa mga pelikula ng TBA Studios. Ang TBA Studios ang discoverer ni  Sharifa Pearlsia Ali-Dans, ang Best Supporting Actress ng 40th Gawad Urian dahil sa pagganap niya sa Women of the Weeping River.

Seen: Dapat nang maalarma si Rayver Cruz dahil matagal na siya sa showbiz pero mga supporting role ang mga ibinibigay sa kanya. Nagsimula ang acting career ni Rayver bilang child star.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with