^

PSN Showbiz

Malayo sa kapatid nagkakaedad na aktor nagkakasakit na sa sobrang kakuriputan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Tawa nang tawa ang aming source nu’ng minsang pagpistahan sa isang umpukan ng mga taga-showbiz ang husay sa paghawak ng kadatungan ng isang nagkakaedad nang aktor.

Junior lang daw niya ang isang pamosong lalaking personalidad na kilalang-kilala rin sa kakuriputan, siya raw ang senior, dahil mula nu’ng mag-artista siya magpahanggang ngayon ay napakasikip pa rin ng kanyang mga palad sa pagpapakawala ng pera.

Matagumpay na ang aktor na ito, nakilala siya bilang young actor hanggang sa maging dramatic actor na siya nang magtagal, pero ang pagiging sarado ng kanyang palad at pagkaka-zipper ng kanyang bulsa ay wagas na wagas pa rin.

Kuwento ng aming source, “Hindi na bago ang pagiging kuring niya, sanay na sanay na ang mga katrabaho niya sa sobrang pagtitipid niya. Kahit sa set, nagbabaon pa nga siya, para lang hindi na siya bumili pa ng food.

“Kapag nagpapatak-patak ang mga kasamahan niya sa location para ipambili ng food, e, parang wala siyang naririnig, deadma lang siya. Ayaw niya talagang mabawasan ang ipon niya.

“At saka magaling siya, hindi nagdadala nang malaking halaga sa trabaho niya ang taong ‘yun. Card ang ginagamit niya. Kaya kapag may nanghi­hingi ng contribution para sa kasamahan nilang may sakit o naaksidente, hindi rin siya nakapagbibigay.

“Magaling talaga siyang humawak ng datung. Maluluma sa kanya ang mga co-actors niya na kilala rin sa kakuringan, tulad nina Actor A at Actor P. Wala silang binatbat, sa totoong-totoo lang!” humahalakhak na kuwento ng aming source.

Nu’ng minsang hindi nakapag-report sa taping ang kuripot na aktor dahil sumasakit daw ang kanyang tiyan ay umugong agad ang paligid. Isa lang ang naisip ng kanyang mga kasamahan.

Balik-kuwento ng aming impormante, “Maraming nag-comment na siguro raw, e, may ulcer na si ____(pangalan ng medyo nagkakaedad nang aktor) dahil sa sobra-sobra niyang katipiran.

“Kasi nga, pati sarili niya, e, pinagkukuriputan niya. Gusto man niyang kumain ng masarap, e, tinitiis niya ‘yun, dahil nanghihinayang siya sa gagastusin niya.

“Napakalayo niya sa brother niyang artista rin. Hindi kuring ‘yun, marunong makisama, gumagastos ang isang ‘yun! Kaya nga lang, e, mas mayaman ang brother niyang kuring, mas madatung, dahil marunong siyang mag-ingat sa kinikita niya,” pagbibigay ng clue ng aming source.

Ubos!

Bansot na aktor kailangan ng seminar ng utang na loob kay Derek

Kung loyalty ang pag-uusapan ay walang makaaagaw ng korona kay Derek Ramsay. Ibang klaseng magpahalaga sa utang na loob ang aktor-sportsman. Marunong siyang magpahalaga sa mga taong nakatulong sa kanyang career.

Anuman ang mangyari, matapos man ang kontrata niya sa TV5, ay prayoridad pa rin niya ang network. Hindi niya binibilang ang proyektong ginagawa niya sa istasyon dahil ang mas binibigyan niya ng bigat ay ang tiwalang ipinagkaloob sa kanya nu’n ng mga ehekutibo ng istasyon.

Halos lahat ng mga kasabayan niya nu’ng kasagsagan ng pagpapalakas ng istasyon ay naglundagan na sa ibang bakuran. Ang iba ay tumatanaw pa rin ng utang na loob at meron ding mangilan-ngilan na parang wala lang para sa kanila ang matinding suportang ibinigay nu’n sa kanila ng TV5.

Nangunguna sa walang pagpapahalaga ang isang bansuting aktor na sobrang bilib sa kanyang sarili. Nalibot na nito ang lahat ng istasyon, matagal itong bumida sa mga serye ng TV5, pero nang lumundag na ng ibang istasyon ay ni hindi man lang nagpasalamat sa kanyang pinanggalingan.

Hindi na nga marunong lumingon ay namintas pa. Markado ang kaa­ngasan ng aktor na ‘yun na nagpasakit ng ulo ng isang magaling na direktor nu’ng kasasalta pa lang nito sa TV5 dahil sa hamonado nitong pag-arte.

Kailangang kumuha ng seminar tungkol sa loyalty ang nasabing aktor-aktoran kay Derek Ramsay. Isabay na rin nito ang pagwo-workshop para hindi ito nagiging problema ng direktor at produksiyon sa set ng kanilang serye ngayon.

Kailangang kumita ni Derek Ramsay, sino ba naman ang hindi, pero mas matimbang para sa actor-sportsman ang loyalty at pagtanaw ng utang na loob.

Endangered specie na ang tulad ni Derek Ramsay.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with