^

PSN Showbiz

Pinatos ang sexy star aktres tinotorotot ng mister na maamo ang mukha!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Knows kaya ng isang aktres na hindi faithful sa kanya ang asawa niya na napakaamo ng mukha kaya hindi mo iisipin na may mga milagro na ginagawa?

Front lang ng mister ang kanyang angelic face dahil playboy siya. Ang tsismis, nagkaroon sila ng secret relationship ng sexy star na woman of the world ang image.

Walang mhin na sumeseryoso sa sexy star dahil pinapatulan nito ang lahat ng mga lalaki na nakakasama niya sa trabaho.

Kung binata siguro ang mister, baka ipinangalandakan ng sexy star ang kanilang relasyon dahil good catch ang mhin.

Nali-link ngayon ang asawa ng aktres sa much younger actress na nakipaghiwalay sa aktor na boyfriend. Ang mga malalapit sa younger actress ang source ng tsismis tungkol sa secret love affair nila ng better-half ng aktres na clueless sa mga kapilyuhan ng kanyang chick boy na mister.

Phoebe ipinagtanggol ang naging ‘dyowa’ nila ni Allan K

Nag-migrate, as in bumalik na sa United Kingdom si Matt Edwards at ang buong pamilya nito kaya hindi niya maipagtatanggol ang sarili tungkol sa tsismis na naging dyowa-dyowaan siya noon ni Allan K.

The who si Matt? Siya ang Fil-Brit ex-boyfriend ni Phoebe Walker na sumali at nanalo noon sa Season 2 ng Amazing Race Philippines ng TV5.

Nangarap si Matt na maging artista pero nabigo siya. Nagkahiwalay din sila ni Phoebe na star na ngayon ng Double Barrel ng Viva Films. Dahil nag-babu na si Matt sa Pilipinas, si Phoebe ang nagtanggol sa kanya.

Ang sey ni Phoebe, hindi ito naniniwala na naging boy toy ni Allan K ang ex-boyfriend niya. Ikinuwento ni Phoebe sa mga reporter na siya mismo ang nagtanong kay Matt tungkol sa Allan K issue noong hiwalay na sila at nag-deny ang ex-boyfriend niya.

Bigla ko tuloy naalaala noon ang interbyu kay Allan K na umamin na reality show winner ang mhin na nagpapasaya sa kanya pero hindi siya nagbigay ng hint.

Naungkat uli ang isyu sa presscon ng Double Barrel dahil tinanong si Phoebe ng mga reporter. Knows ni Phoebe ang isyu dahil siya pa ang nagbanggit sa name ni Allan K with matching admission na nabasa niya ang blind item na bigay na bigay ang clues kaya nagkaroon ng idea ang sexy actress na si Matt ang tinutukoy na secret boyfriend ng TV host/comedian na kinaiinggitan ng mga baklita.

PPP kinasasabik anng mga manonood

Marami na ang nag-aabang ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) at tuwang-tuwa sa magandang pagtanggap sa pelikulang Kita Kita na malaki ang kinita kaya congrats kina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez dahil ngayon box office stars na sila.

At ang nakakatuwa, ang isa sa mga producer ng Kita Kita ay si Piolo Pascual. At napatunayan nila sa Kita Kita na basta magandang pelikula kikita, gaya rin ng dream ni FDCP Chair Liza Diño para sa PPP.  May 12 pelikulang Tagalog na kasali sa PPP na walang ibang ipalalabas kundi ‘yung mga kasali lang. Gaganapin ‘yun sa August 16 to 22 sa lahat ng mga sinehan nationwide.

Sana nga ay ito na ang start ng pagtangkilik ng mga manonood sa sinasabi nilang ‘maliliit na pelikula’ pero may international standard. Magaganda ang kasali rito sa PPP kaya manood tayo at buhayin uli ang movie industry. Kasama rito ang pelikula nina Gerald Anderson, Bela Padilla, JC Santos at marami pang iba.

Bossing and Ai papalit sa Hay Bahay…

Bossing and Ai ang title ng bagong sitcom nina Vic Sotto at AiAi delas Alas sa GMA 7.

Ang Bossing and Ai ang ipapalit sa Hay Bahay, ang sitcom na pinagbibidahan din ni Bossing at ng Comedy Queen.

Confirmed na Bossing and Ai ang pamagat ng coming soon television show nila dahil sa guesting kahapon ni AiAi sa Eat Bulaga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with