Mga event ng Kapamilya network, may bagong venue
MANILA, Philippines - May bago nang pupuntahan ang mga Kapamilya para makapanood ng mga programa ng ABS-CBN.
Ilulunsad ngayong taon ang ABS-CBN at Ayala Malls ang ABS-CBN Vertis Tent, isang tent venue na may seating capacity na 1,200 katao sa loob ng Ayala Malls Vertis complex sa Quezon City na maaaring pagdausan ng mga live show, konsyerto, exhibit, at product launches.
Sinabi ni ABS-CBN head of business development Paolo Pineda na nakalinya na ang mga produksyong gagawin ng Kapamilya Network sa tent tampok ang mga ABS-CBN stars at maging international artists. Maaari rin daw itong pagdausan ng mga pribadong event ng ibang organisasyon at indibidwal.
Isang contract signing ang naganap sa ABS-CBN kamakailan para sa proyekto na pinangunahan nina ABS-CBN chief operating officer of broadcast Cory Vidanes at Paolo kasama sina AyalaLand Malls, Inc. president Rowena Tomeldan, AyalaLand, Inc. chief finance officer Ruby Chiong, ABS-CBN head of integrated events and customer engagement Bobby Barreiro, ABS-CBN legal counsel Carissa Enerio, ABS-CBN head of integrated marketing Nandy Villar, AyalaLand Malls, Inc. Synergies general manager for entertainment Gabby Katigbak, AyalaLand Malls, Inc. senior associate for business development Sheena Chua, at AyalaLand Malls, Inc. head of marketing Maricris Bernardino.
Ibinahagi rin ng Ayala Malls ang pagkasabik sa pagkakataong maghatid sa mga Pilipino ng masasayang karanasan at alaala kasama ang ABS-CBN sa pamamagitan ng ABS-CBN Vertis Tent, na mainam para sa mga naghahanap ng lugar para sa isang event sa bandang norte ng Metro Manila. Para sa mga katanungan ukol sa ABS-CBN Vertis Tent, maaaring magpadala ng email sa [email protected].
- Latest