^

PSN Showbiz

Aktor nakalipat na sa sosyal na tirahan, mga kapitbahay walang kaalam-alam!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Hindi na pala sa Pasig at lalong hindi na sa Makati nakatira ang isang sikat na aktor kung hindi sa isang posh village sa Alabang. Nalaman ang tungkol dito nang mag-post ng picture ang isang relative ng aktor sa bahay niya kasama ang ilan pa nilang kamag-anak.

Nagpasalamat ang relative ng sikat na aktor na nasa showbis din sa pag-iimbita sa kanila sa bahay nito. Hindi man nabanggit kung saan ang bahay, nakalagay naman ‘yun sa location ng Instagram (IG) account nito.

Marami ang hindi nakakaalam kung saan ang bahay ng aktor dahil very private ito. Hindi nito sinasabi for security reasons, pero dahil sa post na ‘yun ay nabunyag na ang kanyang itinatago. Siguro nga pati mga kapitbahay, hindi alam na kapitbahay ang aktor.

Korean actor na leading man ni Heart marunong mag-Tagalog

Fluent mag-English si Alexander Lee Eusebio, ang leading man ni Heart Evangelista sa My Korean Jagiya kaya hindi mahihirapan ang press people na interbyuhin siya.

May mga Filipino classmate siya sa university kaya may alam itong kaunting Tagalog words.

Ipinost ni Heart na sa August 21 na ang pilot ng My Korean Jagiya. Siguradong narito pa sina Alexander at tatlo pang Korean actors dahil one month silang magti-taping dito at isa ang Bulacan sa kanilang location.

Dennis higit P100-K ang ire-refund kay Justin Beiber!

Kabilang si Dennis Trillo na magsasauli ng ticket sa concert ni Justin Bieber dahil bumili ito ng seven tickets worth P17,850 each.

Anyway, gustung-gusto ng viewers ng Mulawin vs. Ravena ang takbo ng story ngayon ng fantaserye na mas maraming action at para ngang papunta na sa nalalapit na pagtatapos dahil sa laki ng mga eksena. Nalaman nang taong ibon din si Rafael (Kiko Estrada) at isa pala siyang Ravena.

This week na rin yata mapapanood sina Glaiza de Castro at Mikee Quintos na magi-guest bilang sina Pirena at Lira, mga karakter na ginampanan nila sa Encantadia. 

Lindsay hindi pa maamin si Dave 

Hindi naniniwala ang mga reporter na nag-interview sa magka-love team na sina Dave Bornea at Lindsay de Vera na wala silang relasyon maliban sa magkapareha sa Alyas Robin Hood 2Pinansin ng mga reporter ang closeness ng dalawa na parang magdyowa.

Nang tanungin ang dalawa tungkol dito, nag-deny sila dahil siguro 17 years old pa lang si Lindsay at hindi pa puwedeng magka-boyfriend.

Anyway, kasama uli sa Alyas Robin Hood 2 sina Dave at Lindsay bilang sina Julian at Lizzy. 

Maganda si Lindsay na na-discover ng GMA 7 sa TVC ng Milo. Si Dave naman ay galing sa StarStruck 6.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with